but it's disturbing, because it's only may.
pero thinking of the short term, i'm pleased. that it's a rainy night, because i love working on rainy nights.
hay. bukas na ang deadline. kaya yan kung sa kaya. pero nasa b0yst0wn pa rin ang isip ko. dapat nagbabalik-k@torse na ko ngayon. dapat sundan ko na ang pagdadalaga at pagdadalantao ni nene. kailangan na syang magkamuwang sa mundo, apihin, at magpakamartir. pero ibang storya ang tumatakbo sa utak ko. love story ng isang boy at isang girl in an alternate universe. isang boy na halaw sa totoong tao but with a few minor tweaks sa kanyang pagkatao. isang girl na ako-pero-hindi-ako, ako sa puso at isip pero pinanganak sa ibang mundo at ibang-iba ang buhay sa buhay ko ngayon. sa alternate universe na yon, isang fairy tale ang magaganap, kasing-sweet at kasing-ideal at kasing-romantic ng fairy tale na tumatakbo sa utak ni nene nung perstaym syang halikan ng childhood love nyang si gabby.
masaya sana kung summer ang setting, para may beach. magsu-surfing lang sila. magliliwaliw sa white-sand shores ng bora. but this rainy night has changed all that. parang mas romantic pag maulan. mas malamig, mas cuddly, mas cold and comfy. mas pure. hay. lagi ko na lang ginagawa to. pag alam kong hindi pwede sa totoong buhay, lagi akong may alternate universe. in the landscape of my dreams, kahit ano posible. ang bading, nagiging straight. ang bata, tumatanda. ang imperfect, nagiging perfect. at ako, pwedeng magpalit ng pagkatao/itsura/background depende sa kung ano ang babagay na heroine sa love story. hindi ako nalilimitahan sa kung ano ako sa totoong buhay.
having said that, ngayon pwede na kong magtrabaho. :-)
No comments:
Post a Comment