promise, ito na ang last time. hindi ko na ifi-feed. hindi na ko magso-stalk sa net. hindi ko sya ia-add sa fb o prenster o whathaveyou (i think magiging foul na yun...kasi parang gumagawa na ko ng move. haha). hindi ko na iisipin. ida-dump ko na dito lahat ng thoughts ko on the matter and file them away, never to be retrieved again.
kasi, pangit din naman na mabaliw-baliw si bosobear over angel locsin. or marian rivera. or cristine reyes. di ko din naman magugustuhan yon, kahit sabihin pa nating mga artista sila at "hindi totoong tao". kaya iwas-karma na lang--at iwas guilt--ngayong gabi na ang simula ng pagtatapos ng aking short-lived crush kay "arkin". just let me rant a little bit more.
ang weird, kasi ngayon ko lang naman sya napansin. nanood naman ako ng big night ng peebeebee celeb noon kung san sya kasali. nanonood naman ako ng music channel kung saan sya nagviveejay. may isang beses nga noon na boses pa lang nya ang narinig ko sa tv (di ko pa nareconcile yung boses with the name), and i immediately assumed na klosetang bakla yung nagsasalita. haha. so for a short period i was convinced na isa na namang ka-pederazyon ang batang 'to.
ang weird, kasi ngayon lang ako natuwa sa kanya, nung naa-associate ko sya with the character he's playing in our show. well. partly. but i think it had more to do with the fact that he can be actually sweet, in person. hindi yung polite-sweet as is usual among artistas, yung alam mong kahit maganda ang pakitungo sa 'yo, may wall pa rin. siya, hindi ganun. at least, nung gabing dumalaw kami sa set. haha.
dapat talaga nagpapicture ako e. tsk.
rico yan kasi sya. yun ang appeal nya. boyishly charming. siya yung tipo na gusto mong i-mother. na pag malungkot, gusto mong i-comfort. kulang na lang, magsuot sya ng "Hug Me" signboard sa leeg.
bentang-benta pa naman sa kin yung mga ganong tipo. parang gusto ko na namang kumanta ng "tell me where it hurts" all owber ageyn. waah. sorry boso. kras lang naman e. between arkin and you, syempre, no contest. allow me a little harmless kapechayan lang this once.
i heart arkin! sana makapagpapicture ako with him nang maayos-ayos before the show's taping period ends!
ok. so tonight tapos na ang matronic period ko. kaya tinodo ko na. nag-research ako nang konti sa internet. magdo-doktor pala sya. shet, kung ganyan naman ka-adorable ang doktor ko, parang magkaka-hypochondria ako. ar-neeyan sya (lam ko na yon noon pa) pero ngayon ko lang na-realize that he looks best in blue. at mas bagay sa kanya ang medyo mahaba-habang buhok, as against semi-kal. haha.
awww. he's just a little boy. ngayon naiintindihan ko na kung bakit pinagpipilitan ng mga tao na gawin syang bida sa show namin kahit wala naman syang acting experience na matino. he's so adorable it's horrible.
okay. enough matronic madness. i'm dumping out all this shit here and going back to my normal 29-year-old mode. HAHA. 29 na pala 'ko? akala ko katorse.
No comments:
Post a Comment