Wednesday, July 11, 2007

romancing the whirlwind

in the flurry of the past several days, i momentarily forgot about the work that was.

last wednesday was the music video shoot. an angry girl tied to a bed, a boy sitting across from her, serenading her with a love song. sounds familiar?

sana hindi. or kahit familiar sya, sana kahit papano maitatawid pa rin na fresh ang kalabasan ng video.

hindi ako happy sa shoot. maraming bagay ang hindi ko nagawa, due to many factors. constraints, in many aspects. kung tutuusin malaking creative freedom ang binigay sa kin, pero frustrating pa rin. dahil maraming bagay pa rin ang hindi naisakatuparan. hindi sinadya, hindi ginusto, pero andun na, tapos na. sayang.

hindi lang kasi sya raket. baby sya. kaya nakakapanghinayang.

umaasa pa rin akong maganda naman overall ang mga na-shoot namin. kahit maraming kulang. kaya nga andyan ang postprod. to make things a hundred times better. ito ang prosesong dapat tutukan sa ngayon.

hay. sana magawa ko. redirect, focus. despite other things to think about.


the next day i got to dabble in a st@r c1nem@ movie starring @ga muhl@ch and @ngel1ca panganib@n. compared to my last movie shoot with the d1rek, this one was a walk in the park. dalawang eksena lang ang nasa schedule, at nasa isang posh hotel pa ang location. bongga. extra moolah for half a day's work (kahit way below the normal rates). hindi pa rin lugi.


"ayun! ba't hindi pa naisip yan noon pa?" @ga said when i showed him his acting position for continuity. thank my digicam. it makes work much easier. dati drowing galore pa ang mga scriptcon. o super-preview sa video assist. left hand o right hand? one hand at the back of the head, one hand in semi-arc outwards, and all those kakalokang verbal directions. in one view of a still picture, kita mo na lahat, ipakita mo na lang sa kinauukulan. i love technology!



@ga is back to his usual "hot papa" self (the extra pounds are gone, and he claims not to know how his sixpack abs came about). i never thought @ngel1ca was that beautiful in person. marami na kong nakitang magagandang artista pero iba ang dating ng mukha ng batang to. innocently beautiful. probably one of the most beautiful artistas i've worked with, next to cl@udine and kr1stine.

we packed up at around 12 midnight. maaga na yon, kumpara sa last movie shoot namin with the d1rek (3 am ang pinakamaaga dun, at langong-lango ang lahat). gusto nilang bumalik ako para tapusin ang natitirang 10-day shoot kaso lugi na kung same tf pa rin ang ibibigay. oo, nakakatanggi na ko ngayon, kahit mahirap gawin. haha. labor can't always be negotiable, kahit gusto mo pang ginagawa mo. :-P

in a matter of three days another movie is grinding, a project that is somekinda scary to tackle. kelangan ng focus talaga. the shoot will stretch on for two to three months. lord, sana hindi na humaba pa don. at sana makaya ko ang scope. futuristic na, action pa. at sandamukal ang extras at special effects. haven't tried action and sci-fi before. puro bold films lang. hahaha.

kinakabahan ako. kasi baka hindi na script ang lagi kong hawak. baka crowd na, in gazillions. nayko.

buhay-buhawi ang gusto mo di ba? sige lang, bring it ohwn!

No comments: