Tuesday, July 17, 2007

my favorite indie-gital festival


it's the 3rd edition of cinemalaya. yey!
it's relatively new, but i love this festival. it had a big role in the birth of the local indie-gital revolution. binigyan ang maraming bagets na filmmakers ng chance to shine, the indie way.

have videocam? go shoot. then submit it to the cinemalaya.

saya, no? di tulad dati, nung strictly 35- and 16-mm films pa ang acceptable media sa cinema. kung wala kang pera at hindi "de leon" o "vera-perez" ang apelyido mo, you need to climb the mainstream ropes and wait for decades bago ka mabigyan ng chance mag-direk ng sarili mong pelikula. ngayon, pabata nang pabata ang mga direktor at filmmakers. and people--even those from the mainstream--are starting to take them seriously.

every year since 2004 lagi akong involved, in one way or another, sa happenings ng cinemalaya. nung 1st cinemalaya, kontrabida role ang binigay sakin ng bossing kong si Mr. If It's From ___ It Must Be Good. haha. in fairness kay bossing, ambait nya. at kahit considered kontrabida kami (read: mga espiya ng management) sa mga indie filmmakers noon sobrang inspiring ang mga storya ng bawat kaso. at marami din akong na-meet na mga friends na may kaparehong pangarap.

stand-out sa 1st cinemalaya "Maxi", produced by our UFO friends and written by my favorite enigmatic writer M1tch Yamamoto. sobrang gusto ko talaga yung film na yun, and so did millions of others from different parts of the world. somehow nung 2nd cinemalaya naging tough act to follow ang "Maxi", kasi benchmark film sya ng umuusbong na indie-gital revolution noon.

pero somehow nagkaroon din naman ng standout film ang 2nd cinemalaya last year in m1ke sandejas' "Tulad ng Dati". itong pelikulang to, ibang-iba sa "Maxi", kaya hindi maiko-compare ang dalawa. i was thoroughly inspired by both. ewan ko kung ano nang nangyayari sa progress ng "Tulad ng Dati" sa international festival circuit ngayon, pero gusto ko syang mapanood uli.

nung 2nd cinemalaya, hindi na ko kasama sa kontrabida committee, kasama na ko sa mga filmmakers (haha, nax). masayang experience ang pagpapalabas namin ng G33-G33 at Water1na (short film category to), kasi sa mga nakapanood na friends/colleagues/kakilala/di-kakilala, marami naman (most of them bading) ang natuwa sa kanya. kahit yung mga babaeng bading, naka-relate din naman sa pelikula. hindi sya nanalo pero masaya na ko sa naging outcome. at kahit hindi perfect ang pelikula, proud pa rin ako sa baby namin ni d3nn1s te0d0sio.

proud din ako sa ilang friends na sumali sa 2nd cinemalaya. si ad0lf al1x na dating katrabaho sa st@r c1nema at sa kil1gshow, nag-directorial debut sa feature film nyang "Dons0l" (kung may people's choice award malamang "d0nsol" ang nanalo nun). si @rah bad@yos na dating katrabaho, nag-directorial debut din with "Mudr@ks".

this year, kasangkot uli ako sa c1nemalaya. pero this time, assistant director ako sa isa sa mga feature films na kasali sa competition: yung "endo". masayang experience ang paggawa ng "endo" (kahit na semi-kontrabida na naman ang papel ko pagdating sa pag-aligaga ng mga utaw sa shooting set). i have high hopes na magandang lalabas ang pelikula. sana panoorin nyo, july 22 ang gala night nya sa CCP Main Theater, 3:30 PM (spark plug, spark plug).

ipapalabas din ang feature films ng mga katrabaho at friendly friends, tulad ng "K@din" (feature film) ni Ad0lf @l1x (for the second consecutive year! kaya nyo yon?!), "St1ll L1fe" (feature film) ni Katsk1 Fl0res, "S1nungaling na Buw@n" (feature film) ng college prof kong si Ed L3jan0, "M1steryo sa Hap1s" (short film) ni M@ek del@ Cruz, "G@b0n" (short film) ni Emm@n del@ Cruz, at "D0bl3 V1sta" ng bagong katrabaho na si N1x Lan@s.

next year, sana kasama pa rin ako sa Cinemalaya. pero sana, filmmaker na ko ng feature film. haha, wish wish. :-)

No comments: