Wednesday, May 07, 2008

nakakapagod...

...magnitpick ng detalye sa isang continuity breakdown for 160+ sequences.

...maglakad sa kahabaan ng megamall buong maghapon, dala-dala ang 1kilo-kabigat na bag (na naglalaman ng script, laptop, charger, at kung anu-ano pang abubot).

...maghintay nang walang ginagawa sa opisina when you can think of a dozen places you'd want to be at that very moment.

...bwisitin ang sarili.

...mainis sa sarili dahil alam mong ikaw ang non-normal neuro, hindi sila.

...isipin ang mga susunod na araw, dahil alam mong malapit ka na namang mabilad, mangitim, mapagod, mapuyat, manlimahid sa bawat shooting day na bubunuin mo kasama ang mga lolo't lola.

...bwisitin ang sarili, at idamay ang mga nasa paligid mo.

...isipin na kelangan mo nang balikan ang 160-seq continuity breakdown, dahil 11:30 na at deadline mo na bukas (gayong hindi mo pa nga sya nasisimulang busisiin).

...mainis sa mga tao nang walang basehan.

...mainis sa sarili dahil wala namang basehan ang pagkainis mo sa mga tao.

...mainis sa sarili dahil sadya kang pinanganak na pessimist.

...mainis sa sarili dahil kahit gustuhin mo mang magpaka-optimist, isang bagay lang talaga yata ang tinadhanang Achilles Heel mo.

...mangarap at umasang darating pa ang Ultimate Summer Vacation of the Year.

...mapagod at magpakapagod nang walang katuturan.

No comments: