nakakabuhay...
...ang isang stick ng marlboro menthol
...ang isang tasa ng mainit na 3 in 1 San Mig coffee
...ang isang rainshower, any time of the day
...ang makita ang alaga mong pussykitten na tumatakbo papunta sa yo, in all her glorious cuteness
...ang kumain ng paborito mong pagkain
...ang isipin ang talent fee na ipinangako sa yo
...ang isipin ang downpayment na (sabi nila) ay makukuha mo very soon
...makipag-usap at makipagtawanan sa isang malapit na kaibigan
...makasama ang mahal mo sa buhay
...isipin na may pag-asa ka pang mangarap
...isipin ang mga pelikulang pwede mo pa ring gawin balang-araw
...isipin na bata ka pa, at 28 years old
...isipin na mahal ka ng mahal mo
...mag-song-and-dance sa videoke bar kasama ang mga kaibigan mo
...tumawa
...ang flattery na dulot ng atensyon ng isang taong kinagigiliwan mo
...mag-shopping ng mga pirated DVDs ng mga hard-to-find movies sa sulok-sulok ng Makati Cinema Square
...manood ng isang pelikulang gustong-gustong-gusto mo
...gumising sa umaga nang umuulan at malamig
...isipin na may bukas pa. (haha, chos)
No comments:
Post a Comment