that's what beatlebum said.
pero ang sarap mag-rant.
kasi pag nilabas mo, parang gumagaan ang pakiramdam, somehow.
kaya hindi ko mapigilan.
labas lang ako nang labas.
kahit alam kong hindi dapat. at dapat maging positive thinker.
maraming pwedeng i-angst sa ngayon. not over one case. but on certain areas, in general.
pero ang nilalabas ko sa ibang tao, angst on specific things.
dahil masyado nang weirdo kung magra-rant ako over general matters.
they'd think i'm a neuro. eh secret ko yun e. haha.
* * *
i feel like i'm regressing to my old self.
the self of eons ago, siguro mga six years.
eons na yon, considering the journey.
which doesn't necessarily translate to malayo na ang pinogress ng buhay na itich.
but that's another story.
ang sarap ibalik minsan yung dating ako.
ang sarap ibalik minsan yung dating state of things.
for the moment, parang gusto ko.
for the moment, feeling ko mas magiging madali ang buhay.
vague, vague.
* * *
sa hinahaba-haba ng magiging prusisyon, ilang beses ka bang makakasalubong ng isang heckler?
everytime a heckler comes along, lagi mong iniisip, tang-inang heckler yan.
mabubwisit ka. at hindi pwedeng hindi ka na naman mag-rant.
eh laging magkakaroon ng heckler e. pano ba yan.
the earth is teeming with them, reeks of them.
so better deal with it.
kasi nakakapagod ding mabwisit, di ba.
mas malalim naman siguro ang pagkakakilala sa yo ng naglagay sa yo sa prusisyon.
hindi sila basta basta masu-sway ng isang heckler.
there must have been something in you that they'd seen that made them put you in that procession.
that doesn't mean you're better than anyone else. just that the ones who put you there must've seen something in you that they liked.
kaya kahit gano pa ka-convincing ang mga hecklers sa bawat barrio na madadaanan nyo.
kahit ilang hecklers pa yan, sa bawat kanto at bawat sulok ng ruta nyo.
hindi basta basta maiiba ang mga bagay-bagay.
hindi ganon ang pinasukan mo.
hindi ganon ang konsepto.
at maniwala ka na nagkakaintindihan kayo ng kausap mo sa konseptong ng prusisyong to.
mas malalim kesa sa iniisip mo.
so stop fretting.
and stop ranting.
and let it go.
dahil mahaba pa ang prusisyon. at nakakapagod ding mabwisit sa walang kawawaan.
* * *
hindi sa iisang aspeto ng pagkatao ng isang tao nakasalalay ang value nya bilang isang tao.
hindi lang yon ang basehan.
masyadong mababaw.
nakakasira ng araw. mo, at ng iba.
* * *
ang sarap sarap kayang mabuhay.
why do i insist on choosing to see the ugly side of things?
bakit pag masaya, natatakot na agad akong may malungkot na bwelta?
hindi naman ganon e.
god gives blessings with no conditions, no strings.
prayers. baka yun ang solusyon.
dahil ang mga taong malapit sa diyos, kadalasan masaya at optimistic.
tulad ng dati kong officemate.
ibang iba kami noon.
kung merong black and white sa opisina, kaming dalawa na yon.
syempre ako ang black.
at tumatak na sa utak ko yun.
hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin.
* * *
lahat ng bagay na nangyayari sa tin, merong iniiwan.
we think we'd gotten past it, we think we'd forgotten. but no.
darating ang panahon, lulutang na lang ang baggages nang walang pasubali. at an opportune time. given the right stimulus.
the subconscious doesn't forget. unfortunately.
* * *
12:44 am. may 9 am meeting pa bukas.
i should sleep. but i'm bothered, and i can't stop.
ranting. angst-ing.
nami-miss ko si avril lavigne.
wanna go to the beach.
wanna be happy.
and i so friggin want to choose to be.
why is it so friggin hard.
* * *
keanna.
sabi ni monj, she'll grow up to become a beautiful cat.
i know.
naisipan ko na ng regalo si osobear para sa haberday nya.
ang hirap tapatan ng isang keanna, pero best effort na lang. tutal mahilig sya sa action figures, bibigyan ko sya ng isang Mini-Osobear.
sana magustuhan nya.
No comments:
Post a Comment