Thursday, July 24, 2008

happy haggard tuesday

finally, a wrap for the m@rk herr@s indie film. a year and a half later. hehe.

our day began at 1am, pullout time. 30-plus sequences sa schedule (including a lovemaking scene, a giving birth scene, a m@rk herr@s huramentado scene) to be shot on five different locations. OA ang schedule pero gusto nilang matapos ng isang araw. suntok sa buwan on a one-cam, one-unit setup, kaya kumuha ng pangalawang unit.

naoo-OA-an din ako sa 2am calltime on set sa montalban. as a biological rule people slow down pag madaling araw. pag nagsimula ng madaling araw, sa kalagitnaan ng araw pagod na. pero yun ang utos ni direk kaya go na din ako. ambilis ng pacing namin kasi adik kaming lahat. pero by midday, nararamdaman ko na yung hapo. nung magsplit na ang unit at lumipat ako sa unit 2, bigla kaming binagyo--ulan for at least an hour--kaya nagkaroon ako ng excuse magpahinga. haha.

na-anticipate ko na magiging (hilaw na) 2nd unit director ako pero mahirap pala pag nagmamadali ka, at pag hindi mo kabisado ang eksena dahil wala kang bagong kopya ng script (kumusta naman yun!). isang eksena lang yung pinaubaya sa kin ng direktor para sa sarili kong blocking, pero feeling ko chaka-ly executed. not bad but not good either. haha, na-conscious daw o.

our last shoot was more than a year ago pa (june 2007), kaya medyo madugo ang pag-maintain ng continuity. dito ko narealize na kung hindi magiging mabusisi ang direktor (at ang mga manonood), continuity is really going to be the least of their concerns. buti na lang hindi ako ang continuity sa project na to, dahil parang magiging panira ng rep. haha.

nakakapanibago din mag-1st AD uli, dahil yung last time na nag-1st AD ako sa skwela pa (more than 6 months ago). yung mga sumunod mostly 2nd-AD and continuity work kaya nakaka-miss din. first time ko din as AD na makapag-orchestrate ng 2-unit setup-- mas mabilis talaga ang buhay, basta't planado at laging may presence of mind ang mga tao (kahit nangangarag sa oras). na-realize ko uli na kung magpo-production ako for life itong trabahong 'to talaga ang mas gusto kong karirin, dahil mas madali sya for me kesa continuity. how ironic na kung ano yung mas mahirap na trabaho yun pa yung mas underrated.

natapos kami ng 4 am kinabukasan. first shot namin was 445am the day before. so pasok kami sa 24 hour shoot, pero in totality, 26 hours mahigit ang working hours namin. nalipasan at naabutan na ko uli ng antok. haha. pero at the end of the long long day, masaya-saya naman. kasi, bukod sa kadatungan at the end of the day, pelikulang ito ang 1st AD job ko...and i'm happy na finally, tapos na sya!
:-)

pagdating ko ng bahay, alas-6 na ata ng umaga. di ko na maalala kung pano ko nakapasok ng bahay at nakarating sa kama ko. woke up at 1, had lunch, sailed away in open-eyed sleep all afternoon, got up and had dinner, fell asleep at 10pm, woke up at 3am. parang nag-recharge lang ako buong araw ng miyerkules.

may isa pala akong naalala nung dumating ako ng bahay. sinalubong ako ng pusa ko. sabi ng kapatid ko, nung wala daw ako, pabalik-balik si keanna sa kuwarto ko to. haha, na-touch naman ako dun. :-)

No comments: