you go up, then you go down. and then you smoke a friggin lot, which i hate.
at least it gave me a few germ ideas for the entire afternoon.
* * *
depressed. sana makatulog na ko. kasi wala na kong gas para sa trabaho tonight. trabahong wala pang bayad, na umaasa akong magkakabayad, in one way or another, soon or very soon.
wala na kong gas tonight. inaantok na hindi.
why am i depressed. kasi ayokong umalis bukas, kahit na gusto ko. dahil may mga tao akong iniiwasang makita by accident. at dahil may trabaho ako.
kasi dadaan na naman ang tren sa august, at sobrang nakaka-tempt sumakay. wala na namang question dun kung sasakay ako o hindi. ang tanong, me pamasahe ba ko.
thing is, napa-praning ako.
dahil sa nangyari six or seven months ago, i feel like i'm shut out. banned.
not officially, pero sino ba ang magdedecide kung sino ang mga sasakay sa tren.
sino ba ang mga magbabantay sa mga nakasakay sa tren.
the same persons who wanted me off another train, some six or seven months ago. the same persons who decided that i wasn't ready. or that i was too sick in the head to be ready.
kaya ako depressed. kasi every year nangangarap akong sumakay sa train.
ngayon, ni manood ng parada, ayoko. hindi dahil sa ayokong manood. i'm not worthy.
self pity, self pity.
* * *
masyado akong expressive.
hindi ko na ine-edit ang sarili ko.
hindi ko alam kung good ba yun o bad.
hindi ko na lang iisipin. basta kung anong nararamdaman, hahayaan ko na lang.
* * *
sunod nang sunod sa kin yung pusa ko.
gusto kong isipin na ginagawa nya yon kasi mahal na nya ko, pero knowing cats, alam ko namang alam kasi nya kung sino ang nagpapakain sa kanya.
utilitarian ang mga pusa. user-friendly at walang loyalty. pero love ko pa rin sila, kasi ang ganda ganda nilang tingnan.
lalo na to:
sleep, bluey sleep.
No comments:
Post a Comment