Saturday, March 28, 2009

ang boyfriend ay parang sinigang

two days ago, sabi ko, ang sarap kumain ng sinigang pag tapos mo na ang trabaho mo.

akala ko off the hook na ko sa trabaho for the weekend, kaya nagschedule na ng lakad with osobear sa sunday. dahil headwriter naman ang usually nagfa-final draft ng script namin. yun na ang SOP.

pero dahil birthday nya today at minor lang naman ang revisions ng direktor, biglang kami na ang pinag-revise niya. monday ang deadline. blag.

okay lang naman, dahil actually trabaho naman ng writer ang mag-revise. kaso parang gusto ko na namang kumain ng sinigang. KASO hindi ko pa deserve kumain ng sinigang. mas masarap ang sinigang pag wala ka nang iniintindi, pag tapos na ang trabaho mo.

mas masarap din mag-badminton and movie date with osobear kung wala ka nang iniintindi at tapos na ang trabaho mo.

pwede ko rin naman i-cancel with osobear, iresched na lang sa ibang araw. kaso antagal na naming hindi lumalabas. kaya para hindi mapurnada ang lakad ko sa sunday, kailangan matapos ang revision by sunday morning, at the latest.

good luck. pero sige na saffron, tapusin mo na, parang awa mo na. kahit i-robot mode mo na ang sarili mo. para makakain ka na ng sinigang. para maka-date mo na si osobear.

at kaya ko pino-post 'to dito para wala akong choice kundi pilitin syang tapusin (nang hindi naman panget ang output, syempre). dahil kung ito ay isang episode ng show namin, letdown naman sa audience kung ang goal na sinet ng protagonist mo ay hindi niya maa-achieve in the end.

fast forward to: sunday, sasabihin ko kay osobear, "pinilit ko talagang tapusin yung homework para sa date natin. kita mo, ang lakas mo talaga sa 'kin." sana kiligin siya. haha.

dangit! tapusin na yan!!!

No comments: