syempre deadline ko bukas ng umaga and i'm three bodies away from completion. pero nakakatawa lang itong isang phone call na natanggap ko just now. i'm bursting with it kaya kailangan ko lang i-blog!
tumawag si My once-Favorite Direk of the Landslide movie. kinukuha nya kong A.D. sabi ko, "sorry po direk...nagsusulat po ako ngayon for tv.." sabi nya, "talaga? saan? kunin na lang kita sa jee-em-ey! pwede ba kitang pirate-in? seryoso!"
naloka naman ako dun. i swear! three years ago baka tumambling-tambling na ko all the way to timog avenue kung saan naka-erect ang torre nila.
sabi nya, "busy ka ba ngayon?"
"opo...may deadline nga po ako ngayon e."
humagalpak naman siya ng tawa. never, as in NEVER in my dreams ko naisip na mapapahagalpak ko ng tawa ang taong ito. sobrang surreal lang talaga ng pangyayari, parang panaginip.
actually, never ko rin naisip, three years ago nung kasagsagan ng crush ko sa kanya, na makakausap ko sya in a casual-friendly way tulad ng nagawa ko kanina. waah. bad timing nga lang. ang lahat. bad timing na nakatali na ako. sa work.
at nung sinabi nyang, "seryoso! pirate-in na lang kita! i-update mo ko, as in seryoso", taena! parang nag-alok sya ng mansanas kay adan. sobrang tempting. sobra.
at least alam ko na kung sakali, may malalapitan ako. at least alam ko na kahit papano ay may tiwala ang once-favorite Direk na sobrang hinangaan ko. waah. na-touch naman ako bigla. sobrang raw ko talaga ngayon!
okay, kelangan nang bumalik.
p.s. na-move na ang schedule ng foreign film! yehey, thank you lord! indefinite pa ang sked pero sana, sana sana walang matamaan next time.
back to work!
No comments:
Post a Comment