everytime may lock-in. for some reason, nakaka-stress sya. enjoy sya normally pero for the past few instances, mas nangingibabaw ang stress. kailangan kong i-address to. i have to find my own antedote.
note to myself: pag nagsuswimming, wag kang makuntento na head-above-water ka lang. always aim for a destination. that's the only way patungo sa pagyaman. at, ika nga ng cards ng isang medium, tamang strategy.
strategy daw. pano ba ang strategy? ako ang taong walang kaalam-alam sa strategy. o kung may strategy man, hindi ko sya nile-label as strategy. more of adapting mechanism lang. hindi ako magaling sa strategy kaya hindi ako pwedeng contestant sa survivor.
eh kailangan talaga ng strategy, para maka-survive sa totoong buhay. para magsucceed sa career at sa life. paano ba ang naknampuchang strategy na yan?
may quicksand. it seemed like a good strategy pero may quicksand pala. learning from someone else's experience, yun na ang tingin ko sa kanya. pero isa lang ang daan patungong kalimugtong, sa ngayon. isa lang ang pintuan sa mansyon for me, sa ngayon.
strategy. thinking short term, ito kaya yung tinext sa kin ng katrabaho ko ngayon ngayon lang? pwede pero ang hirap kasing magwalk ng line. pwedeng i-presenta ang ganong scenario pero may risk na baka maka-offend at syempre pwede ding i-veto ang ganoong suggestion ng higher up.
pero sayang kasi e. sayang ang raket. sayang ang pera. tsk.
ano nga ba ang strategy? does it have to do with anticipating what they want? how do you make a master plan, besides the obvious (work hard, go with the flow, give what they want)? paano? paano ang strategy??
going to other concerns, kahapon pinag-pitch ako sa harap ng lola bossing. first time. i think i screwed it up by my own nervousness. siguro kung ia-apply ang Strategy Theory dapat ginalingan ko, dapat minemorize ko ng storyline, dapat i rose up to the challenge instead of being bogged down my feelings of inadequacy. kasi sa totoo lang ayokong ayoko yung mag-pitch. sa lahat ng trabaho ng isang writer, yun ang hate ko. una, dahil kailangan mong humarap sa mga bossing. pangalawa, dahil kailangan mong mag-encapsulate ng mga detalye into a concise and presentable in-a-nutshell kind of pitch (eh sakit ko pa naman ang detalye at busisi). pangatlo, dahil kailangan magaling kang umacting, or at least may gift of gab ka para ma-excite ang nakikinig sa 'yo. ang hirap ibalanse ng tatlong yun. lalo na sa mahiyain na katulad ko. chos.
pero natuwa naman ako dahil sabi ng bossing i was singled out. natuwa na natense, dahil wala namang pure joy pagdating sa mga ganitong bagay. lalo na't feeling ko ngayon na na-screw up ko ang pitch ko kagabi. na-greenlight na ang concept pero presentation-wise, chaka. i hated it. i just wanted to get it over with. na hindi tama, dahil si I-Have-To-Win beeyatch, kakaririn yun. hay.
feeling ko din parang strike two na ko. dahil nung binigay yung assignment over the Holy Week, ako ang point person. meaning kahit dalawa kami sa project, ako ang may responsibility. kaso nagbakasyon ako. kung hindi ako nagbakasyon siguro nagawa ko nang maayos. pero yun nga, nademonyo ako ng beach. kaya yun, strike one. buti na lang, binago ng bossing yung storyline, kaya medyo nasalba kami. pero still. gusto ko nang maghyperventilate sa mga text messages na nari-receive ko on the way back to Manila. it was really irresponsible of me.
eh wala pa naman ako sa posisyon para maging irresponsible. ayokong mabasura lahat ng pinagtrabahuhan ko in the past six months. ayokong sayangin yung kaunting confidence na binigay nila sa akin. gusto kong ma-salvage yun. gusto kong bumawi.
kaso eto na naman. may raket, foreign film, 7day shoot straight. malaki-laki ang ROI, for a one-week shoot. nagpaalam na ko pero ayaw akong payagan, dahil may masasagasaang work sa show. sabi ng lahat, sayang daw. at sayang talaga, dahil katumbas ng apat na scripts ang kikitain ko sa isang linggo na yon. but she is making me choose. the show, or this raket. di ba ang hirap? gusto kong mag-negotiate, gusto kong makiusap, pero hindi ko alam ang strategy. ang hina ko talaga sa ganun. yung first efforts ko kasi at negotiation, na-thumbs down. ayoko nang mangulit kasi baka ma-offend. hay.
kaya pray na lang ako kay god. sana, payagan ako. huling hirit ko mamaya, sa lock-in. or kung di man ako payagan, sana ma-move ang shoot. please, please. kahit one week lang, para lang hindi tumama sa day job. please.
if i think long term, there's no doubt kung ano ang dapat i-prioritize. pero hindi ko pa rin mapigilang manghinayang. kasi yung panaka-nakang opportunities tulad ng foreign film, sayang. sayang.
stressed. dapat nire-review ko na sa utak ko ang magiging subject matter ng brainstorm mamaya pero may resistance ako. responsible me should get her ass moving, i know. it's not an option, it's a must. but it's in these instances when my stubborn nature gets in the way of being productive. kung kelan nape-pressure, tsaka nagiging impotent ang utak.
ang init, naknampuch.
No comments:
Post a Comment