submitted script at 10:45 am, 15 minutes before deadline.
whew.
touch base...i'm second!
* * *
there's supposed to be a shoot at 6 am. but because i couldn't finish the script before 6, i skipped. priority is priority. at feeling ko, kung nagtuloy pa ko, sabaw ang utak at gulay ang katawan ko buong araw at gabi.
but. well. siguro pupunta ko mamaya. iba pa rin kasi pag isa ka sa mga nagsulat ng shinu-shoot nyo. involved ka, mentally and emotionally. curious kang makita kung paano isasabuhay ang na-imagine mo habang sinusulat/binebrainstorm nyo sya.
baka pumunta ko.
pero kailangan munang ayusin ang powerpoint presentation sa storycon bukas.
taena. ako ang pinagpepresent. hindi ko nga trip yun e. pero my gas, kung pinapa-step up, i should step up. recognize the opportunity. everything we do at work will reflect on us. it could be a plus or minus on our credentials.
so...magme-memorize na ko ng pitch. kebs na kung parang kabisote. at least, walang dead air. hahaha.
* * *
it wasn't until last night, when i was texting a friend about my schedule for the week, that i realized how busy i was. well, apat kami sa team na busy. pero strange, kasi i've never been this busy in a while.
gusto ko na ngang manood ng sine. gusto ko nang kurutin ang matabang gilid ni bosobear. gusto kong magliwaliw sa mall.
pero bago lahat yan, magge-games muna ko sa internet.
sana meron akong bagong hobby. gusto ko sana ng photography, kaso mahal. kailangan mo ng maganda (ergo, mamahalin) na camera.
ay, will write about my ilocos getaway later. haha, may time na ngayon.
kahit kaunti. dahil mamayang hapon, it's memorizing-the-storyline time.
* * *
dahil ang sinusulat namin ay tungkol sa isang 14-year-girl, sinubukan kong alalahanin kung anong klaseng Katorse-Anyos ba ako nung 1994.
nung Katorse ako, praning ako.
i used to stay up as late as i could. kaya siguro hindi ako lumaki.
i used to "de-womanize" myself--to look as genderless as possible. kasi nabu-bwisit ako sa mga manyakis na makakasalubong ko sa daan. kaya puros t-shirt at polo ang mga damit ko. nakatali ang buhok ko in a low ponytail and at some point i even used astigmatic eyeglasses. to dress myself down, at magmukhang "hindi bastusin".
nung 14 ako, exagg din ang wanting-to-belong hang-ups ko in school, pagdating sa friends.
tapos pag nagka-crush ako, todo-todo, parang Love of My Life ang bawat object of affection.
eto rin yung time na hindi ako masyadong nagko-confide sa nanay ko, na may kaunting communication gap kami.
i also learned the truth at 14, that love was meant for beauty queens (only to realize at 26 na hmm, not necessarily).
and, at 14, nagsimula na kong seryosohin ang pagsusulat.
feeling ko, sa ngayon, yun na ang pinakaimportanteng bagay na nangyari sa buhay ko at 14. na sineryoso ko ang pagsusulat.
hay, katorse. in less than a week magiging beinte-nuebe na ko.
okay lang yun, basta i shouldn't look the age. haha.
No comments:
Post a Comment