Saturday, April 25, 2009
yeah, yeah i'm 29...
at nagpapasalamat ako sa lahat ng mga bumati. :-)
pero honestly, hindi na sya event sa akin. kung pwede lang na matapos na ang araw na 'to para maka-move on na ko sa life.
hindi rin ako sanay sa extra attention na binibigay ng mga tao sa kin pag birthday ko. napa-praning ako. haha. naiisip ko mas gusto ko na lang na hindi ko birthday at normal ang trato nila sa akin.
naiinis din ako sa fact na kailangang tumigil ang buhay para lang magbirthday. dahil yun ang ineexpect ng family at loved ones. eh ang siste, may deadline ako sa monday. kaso may mga family and loved ones na pupunta mamaya dito sa bahay para makicelebrate in a salu-salo. magdadala pa daw ang tita ko ng sushi rice at nakahanap na naman ang mga tito at tatay ko ng perfect opportunity para mag-inuman.
haha. hay. birthday din kasi ng nanay ko bukas. kaya parang dobol celebration chenes.
kaso nga, may deadline ako. feeling ko hindi ako makakapagsimulang magsulat today. bukas na. so that leaves me two days para tapusin ang script kung aabot ako sa monday. taena. when usually, sinisimulan ko nang magsulat as early as three days before deadline. ita-try ko pa rin. kung kaya pa ng powers ko. na simulan sya mamaya.
pero syempre, i'm ending this birthday note with a prayer of thanks. dahil nakaabot ako ng 29 years old...nang nagmumukha pa ring 23. hahaha.
thank you lord! my 28th year wasn't my best, but it was during this age na marami akong na-realize tungkol sa buhay ko at sa sarili ko. benchmark year sya for me, in that sense.
at gusto ko ring isipin na year 28 marked a career beginning for me. gusto kong isipin na several years from now, i will look back to my 28th as the year that started my lifelong career as a writer.
thank you lord. thank you, thank you po.
welcome, year 29!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment