may pagkabipolar din kayo ano?
isang lingggo kayong bwisit na bwisit. tapos isang gabi lang ng kiligtawa, biglang love na love nyo na naman ang show. best show evah, happy happy talaga ng (toot-toot), etc. kalurky din kayo ha?
and to think tinatry naming magpakarealistic, na iproseso ang pinagdadaanan ng mga characters. kung kaming lahat lang talaga ang masusunod isang araw lang magpapabebe yang si L. pero iniisip namin ang realidad.
eh ang realidad pala, pwedeng maging bipolar ang normal na tao. taena, kung alam lang namin! sana pala ginanun na lang namin si L! eh di happy pa kayo!
bwiset!! ayoko nang magbasa ng feedback! kliyente namin kayo oo, pero hindi kayo ang boss ko. so at the end of the day kahit ano pang ngakngak nyo, kung happy naman ang boss ko, achieve pa rin.
faney din ako sa totoo lang. kaya nga ang first draft ko, malamang yun ang matatypean nyo. kaso ang first draft noon, malandi si L. may problema na nga sa nanay, nakuha pang lumantod (not that i could blame her). pero yun nga. basag trip, pero kailangang iproseso. and the bosses made that clear noon, kaya sa kanila kayo magwelga okay!??
happy friday, mga bipolar beeyatches! labyu!
No comments:
Post a Comment