Friday, October 02, 2015

write like your life depended on it.

and it does.
at least, livelihood does.

pero kung magsusulat ako na parang may nakatutok na baril sa ulo ko at kung ma-late ako kahit 1- minuto eh puputok ang baril, tingnan lang natin kung malate pa ako, ever. EVER.

so yan ang bago kong motivation. tama na ang soft motivation (clarky). hard naman ngayon. di ka makuha sa landi, makuha ka sa sindak beeyatch.

pero may little voice in my head kasi na lagi akong dinadarang. WAG KA MUNA MAGSULAT. MANOOD KA MUNA NG DVD. MALIGO KA MUNA. KUMAIN KA MUNA. GAWIN MO NA MUNA LAHAT BAGO YUG DAPAT MONG GAWIIIN.

hindi ko alam kung saan galing yun. demonyo, malamang. at ang dami nyang ginagamit na instrumento.

oo na. fine. walang ibang dapat sisihin sa pagiging late ko kundi ako.

dapat medyo taasan ko ang pagpapahalaga ko sa punctuality. kasi aminado, mas importante sa akin ang quality. isipin mo na lang, sa criteria ng 100%, 50-50 sila. walang lamang. kung maaga nga pero pangit, laos. kung maganda nga pero late, LAOS pa rin.

50-50. kelan ka makaka100%??? ayoko na ng 50% letche! baka nga 40% ka lang, kaya wag ka magmaganda!






No comments: