HINGA. after pressing SEND.
harrowing week 15. two days lang ang sinulat ko pero harrowing pa rin.
next script week, malamang, mas madugo. sana naman, mas magaan sa loob.
ang sakit sa loob nung autopilot ka at gusto mo na lang matapos. ayoko ng autopilot, rare ko ginagamit yun unless na talagang galit na galit na yung mga nagfafollowup sa akin (minsan nga kahit galit na sila, di pa rin ako autopilot. which is kinda, well, impractical on my part).
di ko na kontrolado ang biggest percentage ng content ng first drafts dahil dalawa na kaming writers. kaya sa mga kasong ganito na wala na sa kamay mo, may detachment ka na ring mararamdaman. di katulad noon na solely responsible akong karpintero for first drafts kaya stressed na stressed ako. kalabaryo ko sya, pero strangely, mahal na mahal ko.
pag nagdetach ka, mababawasan ang pagmamahal. mababawasan din ang stress. pag may pumipintas, pag may nambabato, hindi na ako nasasaktan. kasi hindi lang naman ako ang may anak dyan. you can only help raise the child of your dreams for so long (read: 7-8 weeks of airing?), tapos from there, anything can happen. bad to worse, bad to better, or one long plateau.
at least minahal nila yung characters enough to stay. boring na ang magjowa kapag sila na, kaya para talaga sa akin, the best chapter was in the beginning, nung nagliligawan pa lang sila. naghuhulaan. nag-iiwasan. naglalandian. nagmamind games. parang totoong relasyon. those were the most exciting times.
pero sa totoong buhay, yung pinakexciting times ang nakakatakot kaya hindi ko maenjoy. the sweetest times for me, yung nagsisimula pa lang kayo. and i think C and L went through that, staggered nga lang kasi laging may kontrabidang sumisingit.
so back to week 15. can't say i'm proud of this one. actually dreading feedback time. pero ayoko namunang isipin yun. HIHINGA muna ako ngayong gabi. kasama ng anak ko, at hubby ko, be a mommy and wifey exclusively for a night.
konti na lang. 16,17,18,19...20. wow. marami pa pala. parang...half-season pa.
but then, hindidapat nagrereklamo. because the more weeks there are... the more moolah for everyone.
kaya salamat po, Lord. sana po, makabawi ako sa Week 16. for my autopiloting Week 15.
No comments:
Post a Comment