kagabi nanaginip ako na natutulog ako.
nakasakay daw ako sa isang karwahe, at nananaginip ng mga bulaklak. isang malaking malaking field of flowers, parang elysian fields. yellow halos lahat ng mga bulaklak, parang mga araw na tirik ang mukha. pero may mga panaka-nakang pink at white.
tapos nagising ako, dahil sabi ng AD, "lahat ng mga nasa karwahe, out!". hindi pa ko nahihimasmasan. para kong lasing na bumaba sa karwahe, at pagbaba ko, nakita ko si @ngel l0cs1n na nakabridal gown, nakatayo sa gitna ng church aisle, laughing at me, saying, "saffron, anong ginagawa mo dyan?!". akala ko panaginip pa rin, kaya hindi ako makasagot, nagkibit balikat ako, then narinig ko ang AD na sinabi over the microphone, "saffron, set po yan", may mga cameras palang nakatutok sa karwahe. hindi ko pa rin maabsorb, kaya umalis na lang ako.
tsaka ko na-realize na, shet nasa taping pala ako, at nakatulog ako in between setup breaks. ang nangyari pala, dalawa kaming nakatulog sa karwahe, ako at isang crew na topless na lalake, at nang sabihin ng AD na bumaba ang mga nasa karwahe, naunang lumabas ang topless na lalake, tapos sumunod ako, kaya sa mga mata nila, para kaming nahuli "in the act" na nag-"do". haha. euw!
shet nakakahiya. lahat natatawa, pero truth is, nakakahiya sya. hindi dahil mukha kaming nag-"do" nung crew, kundi yung fact na nakatulog ako, at sa set pa, eh 2nd ad pa naman ako.
nasa top 10 to ng list of Moments That I Would NEVER Want to Happen Again.
* * *
bumalik yung isip ko sa panaginip ko, yung field of dreams na puros bulaklak, parang ang saya saya, puno ng hope, parang gusto ko na lang pagmasdan ang isa sa mga bulaklak at namnamin ang bawat detalye ng mukha nya. yung mga talulot, yung amoy, yung gitna na punumpuno ng maliliit na pollen. dati ganito ang landscape ng mga pangarap ko, parang laging pasikat pa lang ang araw, punong puno ng pag-asa, pero ngayon, hanggang tanaw na lang ako.
sabi ng AD na kaibigan ko, alam mo ang kulang sa yo? influence. hindi ko alam ang ibig nyang sabihin. hindi ko din alam kung tama pa ba ang mga pinaggagagawa ko in the past 2 years or i'm just wasting time for too little money. hindi ko alam ang ibig nyang sabihin when he asked me kung bakit ako nagpapaka-2nd ad sa tv ngayon. gusto kong sagutin na it's available and it pays me, pero hindi ko din naman talaga alam e. wala akong alam.
money is money, plain and simple. at kung alam lang nya ang pinanggagalingan ng lahat, kung alam lang nya na happy ako na mabigyan ng pagkakataon na maghasik ng lagim sa tv prod. dahil yun na yung nakikita kong pinaka-lucrative option, sa ngayon.
that was last night, dahil na-upset ako sa mga pinagsasabi ng AD. pinapakwento na naman nya yung nangyari sa skwela. apparently yung ex ng isang dude na dating object of ambivalent desire ko dito sa blog eh kinwento sa kanya. ang nakakatawa dun, the ex and i are not supposed to know each other. i shouldn't know her pero kilala ko sya. i was surprised to know na kilala pala nya ko. at alam pa nya ang nangyari, to boot.
so na-praning na naman ako. ibig bang sabihin, alam na ng lahat? i asked the AD. sabi nya syempre alam na ni "Ex" kasi kasama sya sa skwelahang yon. ok. i suppose. ilang tao ba naman ang nakawitness nung araw na yon. marami-rami din, hindi ko na sila namukhaan, pero alam ko maraming tao sa paligid noon. yung moment na yon ang Top 1 sa list of Moments That I Would NEVER Want to Happen Again.
* * *
sa ngayon, wala na kasi akong pakialam. pagmamasdan ko na lang ang mga bulaklak at mangangarap ng ibang buhay bukod sa meron ako ngayon.
* * *
bukas, di ko alam kung me trabaho ako. siguro. na-realize ko lang na ang pagba-block ng crowd, pwede ding karirin. pwedeng aralin gamit ang isang sistema para maging mas madali sa yo. parang pagsi-skripkon. at dahil mukhang dito ako huhugat ng panggastos sa araw-araw for the immediate future, karirin natin to a PhD. kahit siguro pagtitimpla ng kape, kung matoka sa kin at pagkakakitaan, pagsisikapan kong master-in.
kasi dun na lang ikaw huhugot ng fulfillment. if you're doing your best in what you do, whatever it is. whether you're happy or not is immaterial. not right now. habang kinakapa mo pa kung saan ka talaga masaya, pagbutihin mo na.
at sana, hindi mo tinutulugan, diba. potah!
* * *
actually, gusto ko talagang magsulat. feeling ko, yun ang magiging pinakalucrative na trabaho sa immediate world ko. pwede kong karirin, kung mabibigyan ako ng chance. pero lumagpas na kasi ang tren, dumaan sya mga 2 years ago pa, at ibang tren ang sinakyan ko (na sa di-inaasahang pagkakataon ay na de-rail naman pala). akala ko dito, pero hindi pala. kung pwede lang bumalik sa dating terminal at sumakay sa iba.
* * *
me isasabmit akong ppt dapat sa bagong direktor na kakilala ko, kaso tinatamad ako. hay. laging may excuse sa bawat araw. sige na, gawin mo na. hindi sya sigurado pero pwede syang maging susi. sa pagkakaroon ng swiped id sa abs. HAHA!
* * *
sa kalagitnaan ng gabi habang minomonitor ang kilos ng mga talents kong lango na sa antok, na-realize ko na gusto kong maging katulad ng ilan sa mga kaibigan ko. ibang klase ang hirap nila bilang writers pero ang output nila, galing sa puso. hindi katulad ng trabaho ko na ang output eh pwede mo nang iwan at kalimutan. walang makakaalala, walang may pakialam. andami kong kaibigang writers pero bakit hindi ako nagpaka-writer? what did i have against tv back then?
kapag writer ka, naghuhubad ka din, pero disguised behind the characters na binibigyan mo ng buhay. parang artista. ok lang sa kin yon, kesa yung napupuyat at pinagpapawisan sa gitna ng madaling araw para sa isang bagay na hindi naman tumitibag sa puso mo.
mukhang nahanap ko na ang puso ko, kelangan ko lang magkaroon ng chance para sumakay sa tren uli. kung kelangang aralin uli at magsimula sa simula, gagawin ko. para sa kotse. para sa haus and lot. para sa smallest dint of career fulfillment. para sa, um, swiped card.
haha. bwisit na swiped card yan!
* * *
pasok ang manok ko sa pee-dee-ay. halos every season na naghahanap sina osobear ng bagong kateammate me at least 2 akong nirerecommend from my circle of associates. yung una, si donut from the compost movie (nakapasok sya pero nagresign din, tsktsk--joke lang donut! hehe). this time around, yung kinukwento kong tao sa entry na to, from project RR. akalain mong sa dinami-dami ng mga TV-experienced dudes and dudettes na na-interview eh ang mokong pa ang natanggap.
this morning, nag-training na sya. tinext nya ko, "just met osobear. could not stay mad at him...the man is a cool, laid-back saint. congrats." gusto kong matawa. si osobear pa pala ang nag-train sa kanya.
and if osobear were even half-listening to what i'd been making kwento about Cinegeek back then, he'd probably figure out the connection. pero wala naman akong narinig na acknowledgment about that ish. either hindi sya nakikinig nun, o hindi ish sa kanya yun. and knowing the "cool laidback saint" that he is, i'm more inclined to think the latter.
contrary to what maryrose is saying, naiinis pa rin ako re: this ish. it inspires a demon of sad thoughts in the non-normal girl;s feverish mind. :-P
No comments:
Post a Comment