kagabi, first time kong nagtrabaho in the cold (dis)comfort of an OBvan.
ok lang naman. pero di ko naman masabi na masaya ko.
para lang syang continuity na walang continuity. utak ang pinapagana, pero left side, hindi right.
magdamagan, pero hindi ka pagod, pawis, at bilad sa araw.
pero hindi ko din masabi na masayang experience. pangtawid gutom din, like eveything else.
* * *
me nameet na naman akong fresh grad kagabi. P.A. sya, 22. 22 din ako nung nakuha ko ang first job ko sa movie industry. parang gusto kong sabihin sa kanya, sana ibang kurso na lang ang kinuha mo. o kung gusto mo talaga yan, arm yourself for battle na this early. gumawa ka na ng master plan, fallback plan, at PLAN C if worse comes to worst.
may master plan ako non, pero wala akong fallback o PLAN C.
* * *
there's no question anymore. between the choice of fight or flight. if you really want it, go for it. but the question lies in your motivations. why do you want it? and is it really going to make you happy?
will it?
minsan nagiging full circle. baka ang maging ending ng storya, i will end up in the same spot that i first found myself in, 6 years ago. dahil may mga bagay na hindi mo nakita ang importansya noon, dahil masyado ka pang bata o iba ang priorities mo.
same spot, pero iba na ang atake.
i wonder if that will be the story of my life.
No comments:
Post a Comment