it's been six months. i know i'm ok now. three months ago pa lang actually parang ok na ko. laughing like my normal self, living like nothing happened.
pero each time may taong hindi pa nakakaalam kung anong nangyari, at magtatanong kung bakit hindi na ko pumapasok sa skwela, kelangan kong ikwento uli. ayoko nang ikwento uli, pero pag malapit kong kaibigan ang nagtanong, ang hirap humindi, kaya ikukwento ko na naman uli.
at pag kinwento ko uli, parang binabalik ko na naman ang sarili ko sa panahong yon, at hindi ko pa rin maiwasang hindi maiyak, na kinagugulat ko sa sarili ko, sa totoo lang, dahil matagal na yon and i've since moved on.
six months is not enough pa pala, kung tutuusin, dahil yung nangyaring yon isang lifetime's dream ang naitaya, na hanggang ngayon hindi ko pa din ma-reconcile sa isip ko kung pano ko bubuhayin uli, o karapat-dapat ko pa bang buhayin uli, because the craft chooses its alagads pala and not the other way around. at hindi ko pa alam hanggang ngayon kung deserving pa/na ba ako. ok na ko, but i realize that i'm still lost, at pag masakit pa rin ikwento ibig sabihin hindi ko pa napo-process nang tuluyan, and i don't know when the day will come na mari-realize ko kung ano ba talaga ang dapat gawin. kalimutan o ipaglaban, bumangon o layasan. it's been six months pero hanggang ngayon tinatanong ko pa din ang diyos kung anong plano nya para sa kin.
basta sana lang wala na muna uling magpapakwento.
No comments:
Post a Comment