matagal ko nang napapansin 'to sa kin.
in any work environ, i'm aloof towards whoever's The Boss. usually, almost always.
being aloof is an effort to hide the fact that in deep, i'm intimidated by them. by authority, in general, or whoever it is "up there" that has the power to judge or evaluate me. it's almost a...reflex (?) thing, something that i can't help, and something that i wish i could change. kasi, nasa showbiz tayo. dapat nga, mas bibuhan pa ang pakikitungo sa mga bossing, dahil sila ang may capacity para tulungan tayong rumaket everywhere.
pero, tsk.
i'm socially crippled.
di ko alam kung anong pinanggalingan nito. siguro dahil to kay miss pineda.
teacher ko si miss pineda nung prep. lagi na lang yata akong may nagagawang mali kaya lagi akong napapagalitan. minsan pinauwi nya ko dahil nakalimutan kong dalhin yung math book ko. buti na lang yung bahay ko sa tapat lang ng skwelahan namin.haha.
hindi ko masabing terror si miss pineda, pero "mataray" ang pagkakaalala ko sa kanya. and back then i had a feeling that she really didn't like me very much. minsan tinawag nya kong "ulyanin"--at that time hindi ko alam ang ibig sabihin nung "ulyanin", kaya pag-uwi ko tinanong ko sa mama ko kung ano nga ba yung "ulyanin". eto namang overprotective na mama ko, nagalit, sinabihan si miss pineda na wag tatawaging "ulyanin" ang anak nya. haha. sa akin bumuwelta yung ginawa ng nanay ko, dahil sabi ni miss pineda a few days later, nagsusumbong pa daw ako sa nanay ko, e totoo naman daw na makakalimutin ako. hehehe.
hay. di ko na alam kung anong nangyari kay miss pineda, pero alam ko after her marami pang teachers akong minahal at somekinda nagmahal din naman sa kin, kaya di ko rin alam kung tama bang sisihin sya sa pagiging socially-screwed up ko ngayon.
* * *
the other day i went back to the mother studio's office for a preprod meeting. nakita ko yung first boss ko in showbiz, si tbd. bigla akong nakaramdam ng nostalgia, for some reason. bigla ko syang na-miss. strangely, sinabi ko sa kanya yon, to her surprise. haha. mas madali talagang maging expressive when the boss is no longer the boss.
pumasok ako sa first job ko na scared of the big bad world. fresh grad, and tbd was technically my first "nanay". kaso hindi naman sya yung tipong mother hen--she herself admitted it--kaya left to our own survival mechanisms kaming mga anak nya. nung nag-resign ako ng 2004, sabi ko sa exit interview ko, "you're the best boss i've had". at ang tongue-in-cheek reply nya: "i'm the only boss you've ever had, saffron." haha. honganaman. pero actually, mabait na nanay pa tong si tbd. some fresh grads have had worse.
on the same day that i saw tbd, nakita ko din yung nanay of all nanays dun, for the first time since The Day that Put a Period on Things. she gave me a big warm hug, na sobrang na-appreciate ko. alam ko ganun sya sa lahat ng mga subordinates (past and present) nya, pero na-touch pa rin ako sa hug. hanggang ngayon pala naghahanap pa rin ako ng nanay. :-P
* * *
sa lahat ng mga naging direktor (boss) ko, pa-isa dalawa, tatlo pa lang yata yung masasabi kong naging "semblance" of nanay sa kin ever. isa pa sa kanila, nachugi na (hope you're happy where you are, manong). minsan nakakainggit din yung mga utaw na may masasabing "mentor" sa karerang pinasukan nila. hindi subordinate-boss ang relationship, mas mentor-student.
sana makahanap pa rin ako ng ganun. yung boss na maituturing kong nanay (o tatay). kung mangyari yun, it might just erase the legacy of Miss Pineda in this screwed-up mind, for good. :-P
No comments:
Post a Comment