masaya na sanang nagsimula ang araw ko ngayon. gumising ako ng 7am para tapusin yung remnants ng assignment ko from a future co-worker (haha. talagang future). 10 am, na-email ko na. masaya ko kasi hindi ko in-expect na jugalicious me would actually get it done within the morning.
may 1130 am meeting daw for project:rr. kahapon napag-isipan ko nang hindi pumunta (pano, meeting nang meeting, wala naman masyadong nangyayari...hanggang ngayon wala pa ring naka-set na exact date for reshoots. aksaya lang ng oras at pamasahe), kaso na-realize ko na baka isipin ng sekretarya ni boss direk (na nabukelya ako sa isang pagsisinungaling re: attendance sa meetings, some weeks ago) na nagdadahilan na naman ako. at isa pa, feeling ko kahapon, yung meeting ngayon ang magde-define ng exact date of reshoots. at kelangan ko nang malaman yun asap.
1135, andun ako sa ortigas. may homework pa kong kelangan tapusin within the day, kaya balak ko lumarga na as soon as matapos ang meeting. 1230 na, wala pa si boss direk. nagsisimula na kong mainip/mainis. i could've been somewhere else, doing more important things than wait.
1pm na. namuti na ang mata naming lahat. naubusan na ng pag-uusapan. bumaba na ko sa ground floor (nasa 25th floor kami) para magyosi at nakabalik na uli. tsaka pa lang sinabi na hindi makakarating ang boss direk, at ireresked na lang daw ang miting.
wala akong masabi. hindi ako naiinis ke boss direk per se. naiinis ako sa ginawa nya. di ko alam ang reasons nya--malamang masama ang pakiramdam, recuperating from chemo pa kasi--pero HAY. sayang ang oras ng mga taong dumayo dun para sa wala--(ah, me pinabaon ng pala sa min ng puto't kutsinta, supposedly meryenda namin yun sa meeting). sayang ang pang-gas sa sasakyan. mabuti kung lahat kami, kapitbahay lang yung meeting venue. putcha, bumabagtas pa ko ng dalawang ilog at sandamukal na highway para lang makarating ng ortigas e.
sabi ko, hamo na. hindi ko na nga lang maipa-promise na next time makakaattend pa ko, dahil may iba din akong commitments, at hindi naman umiikot ang mundo naming lahat sa project RR. kelangan din naming kumita, kasi hindi pa buo ang sweldo namin galing sa inyo, remember? kakainis talaga pag naaalala ko. pero sabi ko nga. kebs na. hindi naman si boss direk ang may kasalanan kung bakit hindi pa kumpleto ang sweldo naming lahat. pero siguro naman may nagawa sya kahit papano para hindi kami paghintayin kanina nang halos dalawang oras.
hamo na.
fly ako sa qc para kumubra ng paycheck ko from a one-day raket long, long ago. in fairness, excited ako, kasi antagal din akong pinaghintay (pagkatapos ng ilang buwang pangungulit sa AP...in a nice way. haha). tapos pagkakita ko, ay buwitre. ganon na ba kalaki ang kinakaltas ng SSS,Philhealth,etcetera sa TFs ng mga freelancer? nalula ako, dahil kung ia-assume ko yung standard TF ng isang 2nd AD sa kumpanyang yon, aba eh 75% ang nawala. na hindi naman nag-reflect sa payslip. feeling ko computer error, o sobrang exploiter lang ang show na yon dahil sa sobrang baba ng tf na binibigay sa mga rumaraket sa kanya.
bad trip talaga, kasi antagal mo na ngang pinaghintay, tapos ganito pa.
sa loob ng company compound nakasalubong ko yung nag-elaborate sa kin ng The SEcret. syempre naalala ko na naman yung The SEcret. at that time nag-uumapaw ako sa negative feelings. na-double whammy kasi ako, kaya ang angst-y ko. pero bad nga daw yun, sabi ng The SEcret. dapat laging positive vibes.
in fairness, naiba ko naman ang timpla ko kahit papano. umuwi ako nang medyo pagod at nanlulumo sa nasayang na umaga at hapon pero ok pa rin naman. dahil at least mas marami pa ring bagay na dapat ipagpasalamat kesa mga bagay na dapat ikalungkot.
thank you pa din, lord.
hindi 'to bad day. emotionally "challenging" lang.
and the best thing about it is that tomorrow will be another day.
haha. hetchus! :-)
No comments:
Post a Comment