when you can't decide, pray.
i prayed. na sana tulungan niya akong magdesisyon. mabilis ang reply talaga ni lord. salamat salamat lord.
* * *
dumating ang bukidnon project. gustong gusto ko sya. kaso masasagasaan ang isang project na nao-oohan ko na. umasa ako, sana ma-move ang grind date ng bukidnon, para makasama ako sa kanila pareho.
na-move nga ang grind date nya. kaso, na-move din ang grind date ng project kung saan ako naka-commit, kaya sapaw pa rin. i resigned myself to the fact na hindi talaga ako makakasama sa bukidnon. nakakahiya kasi sa producer at direk ng dream team; nung umalis ako para mag-aral, iniwan ko sila, tapos ngayong nagbalik ako, they were happy to take me back in.
tapos, eto na naman.
isang project na idederehe ng hottest direktor ng mother studio. putcha. gusto ko. as in. gusto kong sumama sa team nya. dahil alam kong pwede nya kong tangayin sa marami pang proyekto kung magustuhan nya ang trabaho ko.
ang tindi ng temptation. napaisip ako.
wala pa naman akong pinirmahan sa kabila, verbal lang naman ang commitment ko. legally speaking, pwede pang magbail out. pwede kong sabihin na hindi ako pinayagan ng mother studio (kasi may kontrata ko, bunga ng scholarship nung unang panahon). na may right of first offer (whatever it's called) ang mother studio--pag walang project sa loob, tsaka ka lang papayagang lumabas.
ang siste, kaya ko bang sabihin 'to sa produ with honesty in my voice? kaya ko bang idahilan 'to nang hindi makakaramdam ng guilt?
dahil ang totoo, kung pragmatism ang pag-uusapan, gugustuhin kong piliin yung projects na dadalhin ako sa bukidnon. at/o yung may direktor na hindi ko pa nakatrabaho at isa sa mga pangarap kong makatrabaho. at/o yung may mga artistang dati ko nang nakatrabaho at gusto kong makatrabaho uli. at yung projects na may certain level of prestige at alam kong magiging sparkling addition sa resume ko as scriptcon.
not to say na hindi magiging sparkling addition sa resume itong project na pinag-commitan ko. maayos sya. okay din naman ang direktor, isa sa mga pinakamagaling na direktor na nakatrabaho ko. pero hindi nya ko dadalhin sa bukidnon. hindi sya pelikula ng mother studio. and i doubt kung payayamanin nya ko for the span of time na tatrabahuhin ko sya.
madaling mag-backout kung iisipin, pero nagi-guilty ako. at natatakot ako na mag-burn ng bridges sa mga taong nagtiwala sa kin at matagal ko din namang nakatrabaho.
tinawagan ko ang isa kong kaibigan, si penguin. in response, may binasa syang quotable quote:
The highest courage is daring to be yourself in the face of adversity,
choosing right over wrong,
ethics over convenience,
truth over popularity.
These are the choices that measure our life.
Travel the path of integrity without looking back,
for there is never a wrong time to do the right thing.
ang corny pakinggan, pero dahil sa quotable quote ni penguin, alam ko na bigla ang gagawin ko. siguro nga yun ang sagot ni lord sa dasal ko.
a promise is a promise. may kasulatan man o wala.
there's a thin line between pragmatism and ethics, at konsensya na lang ang magiging guide mo. you can never go wrong with your conscience.
sayang, pero hindi rin. dahil walang pera o prestige na pwedeng mag-compensate for professional integrity.
sabi nga ng nanay ko, ganun talaga. may mga opportunities talaga na kailangang palampasin, dahil may nauna na. at least you kept your word. here's hoping na marami pang ibang opportunities ang darating, at sana by that time, kering-keri na. no regrets, bagets!
salamat kay penguin at sa quotable quote nya!
No comments:
Post a Comment