a day in the life of a somekinda-stress-magnet:
6am. park. maganda ang location. i love the greens, i love the smell of nature. but stress is in the air, at least for me, who had to finish six long daldalan sequences in a span of five hours or less. okay lang sana, pero bawat eksena yata ay tigti-three pages. at puro technical dialogue. kaya wala akong magagawa kundi simplehan. mabuti na lang at maganda ang location. kahit papano, masarap pa rin sa mata pag pinanood mo.
until dumating ang mga oldies na officers daw ng village association na nagmamay-ari sa park, saying na wala kaming permit sa location. medyo na-tense ako doon, pero it was just a wrinkle in the day that was ironed out easily. little did we know na simula pa lang ito ng stress-with-a-big-S na Day 4.
dahil technical ang dialogue, the actors had a hard time memorizing. cut kami ng cut. puro kami cure. understandably naman, kaya sige, go lang. nakabilad sila sa init ng araw at high noon kaya iniintindi ko na lang ang subtle na pagdi-diva ng isa sa mga bida. mahirap nga namang mag-artista, lalo na kung para sa isang corporate video na tulad nito, lalo na kung art ang tingin mo sa pag-arte and you have to recite these long kilometric lines about the benefits of direct selling.
1pm na kami naka-baklas sa park. 75% battery full. a long day ahead, still.
2pm. tiangge. same old problem--the lines. umabot pa sa puntong for every line of dialogue nagku-cure kami. taena. frustrated ako dahil natatakot ako sa editing nito. baka pumingpong ang putcha. hindi ko madiretso. naiinis ako pero pakiramdam ko kasi wala akong choice. wala akong oras, dahil marami pang day exterior sequences, dalawa pa ang company moves namin, at alas-2 na ng hapon.
by 4 pm, baklas na kami to...
4:30pm. public eskinita. at least naman natuwa akong 4:30 pa lang. dahil the last time we were in this location, palubog na ang araw, kaya hindi na namin natapos ang eksena. 2 long sequences to shoot, puro daldalan na naman. pinaglakad ko na lang ang mga bakla habang chumichika. natuwa naman ako sa location. from the green gloss of the park to the gray grit of the eskinita, at least may variety ng milieu. iyon na lang ang something to like sa produktong ito na tina-try naming gawin.
by 5pm, may konting araw pa, kaya pumaspas na kami sa...
530pm. house. may 9pm cut-off kami sa loob ng bahay na ito. 8 yata ang eksena, around 4 of which ni-relocate ko na sa bakuran ng bahay. dahil marami pa akong kukunan, umaga pa lang, ni-turn-off ko na ang karirista button sa loob ko. happy na kong maitawid with the minimally passable elements that i could gather in every shot. acting na medyo OA, acting na medyo kulang, medyo hindi swabeng pan/tilt/dolly ng camera, pinapasa ko na hangga't hindi glaringly panget. pag medyo lang, pwede na. simple na lang lahat, para lang matapos ko ang lahat nang maayos-ayos. better kesa hindi ko matapos lahat, o yung mga huling eksena na kukunan e sobrang panget dahil sobrang pinaspas.
gusto ko ang bahay. naaalala ko yung bahay sa thesis film ko. there's something about houses like this. they appeal to me in a hard-to-explain, subconscious way. kaya masaya ako sa mga shots. masaya naman ako sa karamihan ng mga eksena.
until dumating ang totoong may-ari ng lupa kung saan nakatirik ang bahay na pinagshu-shootan namin and caused a big ruckus.
pinapalayas kami, dahil hindi daw nagpaalam sa kanya. naloka kami. buti na lang hindi ako ang kailangang humarap sa mga ganyan. natengga ang shoot ng kulang-kulang isang oras habang kinakausap ng line producer ko yung galit na galit na may-ari ng bahay. all the while, nagdadasal ako. please, please sana pumayag na kayo. mahigit pitong eksena pa ang kailangan naming tapusin all in all. may 1 house location pa kaming babaklasan within your compound. wala na kaming Day 5, at kung meron man, hindi namin pwedeng kunan ang mga natitirang eksena sa ibang lugar because of continuity. habang naka-tengga kami, nag-isip ako ng fallback option for the worst case scenario pero wala talaga. walang ibang option kundi Day 5. at relocation ng mga eksena kahit sablay sa logic at continuity.
pero mabuti na lang, mabait sa God. pinahupa nya ang galit ng may-ari. nakapag-resume kami. pero by the time na nakapag-resume kami, zapped ang energies ko. nakakapagod talaga ang emotional anxiety. i went through the motions. tv-style. pero alas-3 na ng umaga at kahit na hindi ko na kinakarir, nahihirapan pa rin ang artista sa lines. magagaling silang artista, pero technical kasi ang kailangan nilang memoryahin, at alas 3 na nga ng umaga. kaya umabot kami ng hanggang alas-6 ng umaga.
lasponggol, isang dolly shot. 1 shot sequence. hindi perfect, hindi ngumingiti ang extra na kasama sa eksena. masyado syang busy sa pagbabaraha niya, nakalimutan nyang maging interesado sa ino-offer na brochures at products ng bida. gusto kong mag-take two pero naisip ko, pwede na. and "pwede na" has gotten me through this long, long, long day.
so i said, "pwede na. packup!" and everyone clapped. in relief, probably. dahil akala siguro nila hindi na kami matatapos. akala ko rin hindi na kami matatapos. ito na yatang four-day shoot na ito ang pinaka-challenging na shoot ever for me. sa bawat araw, laging may problema. laging kulang sa oras. laging stress with a big S. pero nagpapasalamat pa rin ako. dahil kahit ganon, alaga naman ako sa kape at yosi buong araw at gabi ng mga katrabaho ko. at pag-packup pa namin, binigyan ako ng kliyente ng christmas gift basket at goody bag ng mga produkto nila. happy happy joy joy, dahil mabait ang kliyente namin at mabait ang mga katrabaho ko at kahit lagi na lang akong frustrated sa mga bagay na hindi ko nagagawa nang bongga, i know everything will be fine. raket lang ito, hindi personal ang pelikula, pero hindi yun rason para ibaba ang standards. kung meron mang reason para ibaba ang standards, iyon ay dahil sa nauubusan ka na ng araw. haha.
HAY. isang malaking HAAAAY.
No comments:
Post a Comment