nagsimula nang umere ang week na ni-final draft ko. sobrang disappointed ako. sa gapping. sa editing. sa mga eksenang kailangan na hindi isinama. sa sarili ko.
napa-text ako sa headwriter ko. puno ng HUHUHU. i don't want a lonely end for our labor of love. i don't want a sad ending.
kaya ngayon natatakot ako. nape-pressure ako. dahil ito na naman tayo. enormous responsibility dahil kinuha ko ang responsibilidad ng finale episode. gusto kong umiyak. as in magmalakas na HUHUHU. parang umuulit ang pakiramdam ko nung in-assign akong mag-final draft sa week 14. it's an enormous responsibility and i don't know if i can deliver in time for the deadline.
HUHUHU. sana di na lang ako ang nag-finale. o kung ako man, sana isang script na lang, yung finale na lang po. para makapag-concentrate ako don. diyos ko, ito na naman po ako, nagdadasal na naman sa inyo. tulungan nyo naman ako. i consider my week 14 experience a failure according to my standards, pero sana naman lord maging masaya naman ako this time around. okay lang na duguin basta maganda. okay lang na hindi matulog at ma-stress, basta maganda. hindi lang for my sake, but for the sake of the show. ang pangit ng feeling ng nakakapanood ka ng umeereng episode na panget. masakit sa dibdib.
No comments:
Post a Comment