Sunday, December 20, 2009

stress with a big S

i think i underestimated the stress potential of our marathon 3-day shoot. kaya siguro, somehow, i was caught by surprise. first time ko kasi nakapagtatlong sunod-sunod as a director. nung scriptcon at AD ako, madalas, pero ang kalaban ko lang doon, pagod at puyat. pero pag direktor ka pala, in a way yung pagod para ding sa pagsusulat ng script. may mga moments na gusto nang bumigay ng utak mo. sumasabaw-sabaw na siya. dahil sa pagod at puyat, yes, pero doble yata ng nararamdaman ko pag production staffer ako.

at some point nasabi ko, nakakasawa rin palang magdirect pag sunod-sunod na araw at lagi kang gahol sa oras. pag puyat at pagod ka na at hindi ka na inspired dahil sa nararamdaman mo. i never thought na magsasawa akong magdirect, pero it actually happened at some point. gusto ko na lang na matapos na. andami kong frustrations. as much as possible pinipigilan kong maging emotional, kahit nagu-umapaw ang stress. huhuhu.

feeling ko hindi talaga advisable ang magsunod-sunod na araw. kaso wala kaming choice. may mawawalang artista by a certain date at may hinahabol kaming deadline ng kliyente. pero given our shooting load, dapat talaga may pahinga in between. dahil lahat talaga nagsa-suffer. yung mga tao, yung quality ng nashu-shoot, yung acting. hay.

so maybe it wasn't so bad as i'm describing it to be. i really really hope so. nung first project namin with the same client, hindi rin ako masaya. stressful din siya. pero somehow masaya naman ako sa mga na-shoot. somehow okay pa naman ako. pero dito, taena. nung 3rd day, pangit na pangit ako sa mga na-shoot namin. naghahabol na nga sa oras, di ko pa makarir. it happens, i know. pero may iba-ibang levels ng frustration ang tao. parang nag-notch 10 ako nung Day3. sobra.

Day 1. late ang catering nung umaga. pangit na setback on Day 1 pero optimistic ako. masaya ako nung araw pero pagkagat ng dilim, eto na ang LP ko telling us that we're behind sked at sana bilisan daw namin. na-stress ako. nainis ako, actually. malakas palang makaubos ng energy ang inis at stress. dahil dalawang eksena pa lang ang kinunan namin after that talk, feeling ko lantang gulay na ako. with 6 long daldalan sequences to go pa na may cutoff time. nauubusan na rin ng boses ang bida namin.

sabi ko, sorry, i have to be honest pero hindi ko na makukunan lahat yan. maraming factors kung bakit. location, actors, etc. after a long meeting, nagdecide na kaming i-transpose ang remaining sequences to Day 4. umuwi kami at 2am. 7am ang calltime kinabukasan.

Day 2. late ang art department nung umaga. kaya late na rin kami nakapag-start. pero of the three shooting days namin, day 2 ang favorite ko. somehow satisfied naman ako sa output, kahit hindi na rin pwedeng karirin dahil naghahabol kami ng araw.

1am packup, dahil 4am ang calltime kinabukasan.

Day 3. kailangan kaming pumackup sa 1st location at 12 noon. kaya 4am ang calltime. kaso, nagpatong-patong na yata ang pagod at puyat ng lahat from the past 2 days and took its toll on day 3. late ang AD at DOP, late ang PM at camera eqpt. kaya late na rin kami nag-grind. kaya ipit na naman ako. kailangan na namang simplehan. kailangan na namang magmadali. eh 6 yata ang eksena sa 1st loc na yon.

and ending, at packup, gusto kong umiyak. sa sobrang stress at frustration. sana naman maging okay na ang Day 4. magtu-two units na ako, ibibigay ko na yung ibang eksenang walang audio sa AD ko para tirahin na niya. matapos na lang nang maayos.

so now i'm happy dahil bakasyon ko na. when we packed up nung Day 3 feeling ko ayoko nang isipin ang trabaho. gusto ko na siyang kalimutan. ayoko nang balikan. pero ngayong nakapahinga na ako i can't help it. gusto ko nang unti-untiin ang pagplano ng shotlist ko--yung pinakasimpleng setups--para at least by Day 4 on December 28, hindi ako mase-stress.

No comments: