Monday, November 30, 2009

HAAAY

I just realized that this hugot-ng-hininga kind of expression could mean so many different things, depende sa araw sitwasyon at mindset ko.

Pwedeng HAAAAY, di pa ko tapos. HAAAAY, wala ako sa mood. HAAAAY, ang dami pa and my deadline is closing in on me again. HAAAAY, late na naman ako.

ito ang klase ng HAAAAY na ayoko.

Pwede ring HAAAAAY, salamat. natapos ko na rin ang script. HAAAAY, salamat, nakapasa naman daw ako sa pagsubok ng aming creative head. HAAAAAY, salamat lord, na-extend ang deadline namin to 5pm tomorrow. (bilang 20 sequences to go pa ko til completion, at meron pang hindi maitawid sa utak). ito naman ang mga klase ng HAAAAY na gusto ko. not necessarily in that order.

kaya ngayon, pagka-press ko ng "SEND" sa email at 9pm (4 hours away from deadline. i know, i know. dapat ginagarote na ako), isang malaking HAAAAY na hugot talaga sa baga ang pinakawalan ko. after the uber-haggard past week, finally, wala na kong iisipin this week. knock on wood. sana.

sana naman, next time na mag-HAAAAAY ako, ito naman ang ibig sabihin.

HAAAAY mabuti naman at binayaran kami sa spill week ng show namin. HAAAAY salamat may christmas bonus na. HAAAAAY salamat may dagdag kita from the bloody past week i had gone through. HAAAAAY salamat at may pambili na ng mga ireregalo...may pang-noche buena na...may pera para i-finance ang isang maligayang pasko.

sana. sana. HAAAY.

* * *

THINGS TO DO:
1. karirin ang restaurant city.
2. hanguin ang mga niluto sa cafe world.
3. tiyagain ang farm sa farmtown.
4. panoorin ang episode ng k@torse kanina sa pinoychannel.tv.
5. kumain.
6. maligo.
7. manood ng pilot ng fullhouse (as in, ngayon na).

ayan. happy monthsary sa amin ng bosobear kong cutie cute cute.

* * *

masaya naman ang binyag ng anak ng headwriter ko kagabi. nag-cram nga lang ako ng panreregalo pero at least nakahabol. at kahit hindi ako makakain nang maayos despite the yummy handa, masaya na rin dahil kasama ko si bosobear at ang mga co-writers ko. at lalong masaya dahil na-extend ang deadline cause of the binyag. kasi kung na-retain ang old deadline, siguradong hindi lang ako LATE. LATE na LATE na LATE.

kasi naman, inuna ko muna yung draft 3 ng week14 day 5. major revision yung last 2 bodies, kaya nagsusulat na ang mga co-writers ko ng week 15, stuck in week 14 pa rin ako. waaah. friday na ng gabi ko naisubmit ang week 14 day 5 draft 3. at saturday night ko na lang talaga nasimulan nang matino ang week 15 script ko.

kaya ayun. naghapit. nang sobra sobra sobra.

ikaw naman kasi gabby. ang hirap mong itawid. next time tulungan mo ako, wag mo akong pahirapan. pero labs kita. challenge kang mokong ka.

nood na ko fullhouse!!!

No comments: