i was scared. hanggang ngayon takot pa rin ako. takot magkamali. takot sumablay.
tumawag ang headwriter ko kanina. may sakit daw sya at sinasuggest nya sa ep at head-of-creative namin na ako na muna ang mag-final draft. biglang lumamig ang dugo ko sa takot. salamat sa vote of confidence pero ayoko po. ayoko. malaking ayoko.
pwede din daw kasi na yung head-of-creative namin ang tumira. hinihintay lang nya ang sagot. kaya pagkababa ko ng phone sobrang nag-wish ako na sana sya na lang. dumaan ang ilang oras, halos nakahinga na ko nang maluwag. dahil mukhang hindi na nga ako ang pagagawin ng final draft.
matutulog na sana ko nang nagtext ang head-of-creative namin. gawin ko na daw. i jolted back up in bed. nagyelo ang dugo ko sa takot. putaena. noooo!
sabi ko lang, ok po. sabi nya, monday and deadline nyan, for taping. kaya ibuhos mo na ang lakas at galing mo dyan because i'm counting on you. right at that moment, gusto ko nang mamatay. oo, nagpapasalamat ako sa tiwala, pero takot na takot ako sa ganitong klaseng responsibility. dyos ko, bakit ako pa. dyos ko, bakit hindi na lang sya. siya naman ang nag-comment sa first drafts namin, siya na rin sana ang tumira. dyos ko, hindi ko alam kung kaya ko. hindi ko pa to nagawa ever. hindi ko alam kung kaya ng bubot na powers ko.
diyos ko, diyos ko. tulungan nyo ko. please, tulungan nyo ko!
* * *
after one yosi and a banana nagpaka-alpha male mode ako. kelangan mataas ang self-confidence at malakas ang sense of competition. kahit wala namang ka-competition kundi sarili ko rin lang. kasi ang alpha male, he welcomes these kinds of challenges. it revs him up. it makes him want to conquer and win. so HELLO, miss i-have-to-win, are you still there? kelangan kita nang bonggang bongga. kaya natin to. kasi hindi pwedeng hindi! tanggalin ang negative thoughts! i'll just have to wing it and deliver, because i have no other choice.
para kasing may threat yung "i'm counting on you" nya. parang may silent na karugtong na "don't let me down". waaaah. i'm so afraid to let them down. pero di ko na iisipin yon! I WILL DO THIS! AND DO THIS FRIGGIN WELL!
si alpha male, iisipin nya na ito na ang break na hinihintay nya. ito na ang pagkakataon para ma-discover nilang lahat na may ibubuga siya. it's precisely circumstances like this where little people like me stumble upon the chance to shine. yun ang makikita ni alpha male, kaya he'll be ready to fight, gawdangit. so instead of seeing this as a daunting, terrifying responsibility, iisipin ko na lang, this could be my chance to prove that i can do it.
I CAN DO IT! I CAN DO IT! BRING IT ON! TARA, TIRAHIN NA NATIN YAN! HINDI AKO NATATAKOT DYAN! KAYANG-KAYA KO YAN!!!!
WAAAAAAAAAAAAAH! SO HELP ME GOD! PLEASE HELP ME GOD. PLEASE.
* * *
wala akong weekend. no bosobear day this week. malungkot ako, pero sa ngayon, it's the least of my concerns. mabuti naman yon, para ma-miss naman nya ko.
sisimulan ko na! gogogogo!
No comments:
Post a Comment