5:34 am. done with my quota for the night. sleep, din bukas uli. deadline for day 5 of week 14: tomorrow night. deadline for day 1 of week 15: monday morning.
alam ko hindi na ako dapat lumabas ng sabado ng gabi. pero kailangan. bukod pa sa namimiss ko ang oso ko, baka magalit na siya. maiinis ako kung hindi sya magagalit. haha.
so here i am, counting backwards again.
THURSDAY, NOV. 26. woke up at past 1. nakipag-haggle sa deadline. sabi ng EP, ano kaya ba tonight ang revisions? tataya na ako ng double unit ha? translated to mean: pag hindi mo nasubmit ang revisions tonight, it will cost the production and you will be responsible for it. after much self-delilberation, i committed.
so buong maghapon, gabi, at madaling araw akong nagklick-klick-klack. day 1 ang pinakamahirap for me. paisa-isa kong sinasubmit ang mga natatapos kong scripts. naloloka sa akin ang kausap kong taga-prod. pero masaya naman ako na somehow naiintindihan nila. i'm not my headwriter, kaya mas may pasensya sila.
by 5:30 am, naisubmit ko na ang nai-commit kong apat na revised draft 3. lord, please, sana wag nang bumalik sa akin. hindi ko na alam kung anong itsura nya. kung nagme-make sense ba sya. wala na akong alam. basta tinry ko na lang gawin ang minimum na nire-require nila, given the limited time.
WEDNESDAY, NOV 25. preprod scene-per-scene meeting for the raket. after 2 hours, diretso sa bahay ng headwriter ko for week 15 lockin. in between these two events, nakatanggap ako ng mga comments from our creative head re: week 14 draft 2. nanlumo ako. pagharap ko sa headwriter ko that night, lalo akong nanlumo. kasi sabi nya major revisions daw as far as she is concerned. waaah.
i failed the test. yun ang tumatak sa utak ko. pero strangely, during those moments, wala akong sense of loss. para bang naka-mind set na ko from the very start na i wasn't entitled to anything. i never really expected to actually pass with flying colors.
EP called later that night and i negotiated for a deadline. then a talk with creative head somehow lifted me up from my slump. pasalamat daw ako na hindi structural ang revisions. parang nabanggit pa nga nya yung magic word: "minor". potah. parang gusto kong tumalon. lumukso ang dugo ko. gusto kong ipaulit sa kanya. sir, minor po ba ang revisions? did that mean i didn't totally fail?
sobrang comforting ang conversation na yon. kasi sya yung nagsabi sa akin sa simula, "don't let me down". i SO BADLY HOPE i didn't let him down, pero sa ngayon immaterial na yung concern na yon. what is done is done. so bahala na si batman. basta masaya ako where i am. sa ngayon, kontento na ako sa safe haven which is the life of a member of my headwriter's team. pero kung ia-uproot nila ko, kung sakaling ma-bless ako ng ganong chance, okay din lang. wala naman yan sa mga kamay ko, at hindi rin isa sa mga super fervent wishes ko. kasi parang hirap pa ako, kaya malamang hindi pa ako hinog for the primetime warzone. everything has its own time.
TUESDAY, NOV 24. tapos ko ang day 5 draft 2 by around 7:30 pm. uber late. waaah. pero nakahinga ako nang maluwag, dahil 5th night of my marathon lock-in-with-myself sa bahay ng headwriter ko ay tapos na. nakapag-dinner na ako nang walang iniintindi (at that moment). kinuha ko na si keanna the cat sa buntisan center. na-miss ko ang pusa ko. sobra.
MONDAY, NOV 23. nasimulan ko na ang draft 5 liners, gabi na. kasi buong maghapon lost ako. nagdadasal for brilliance. kahit sandali lang. kahit 3 hours lang, just a drop of brilliance to get me through the last script. kasi entirely new script sya. wala akong magagamit sa 1st drafts. nag-SOS na ko sa lahat. sa mga co-writers ko. sa mga writer friends ko. sa pamilya ko. i asked for prayers. i asked for suggestions. buong maghapon sobrang tense ako. because MONDAY was deadline day. parang 1pm ko na yata naisubmit ang day 4 ko na ginawa ko habang sabaw ang utak ko. sobrang ayaw ko sya, pero strangely, yun pa ang ang nagustuhan ng headwriter ko. at yung mga scripts na nadalian akong gawin with a sound mind, yun pa ang ayaw nya. weird.
SUNDAY, NOV 22. gusto ko nang umuwi. natapos ko ang days 2 and 3 nang mabilis pero stuck ako forever sa day 4. halos entirely new din sya. at pagdating na ng madaling araw, ayaw nang gumana ng utak ko. sabi ng headwriter ko, kulay gray na daw ang kulay ko. gusto ko nang umiyak. gusto ko nang umuwi. gusto ko nang mag-give up. sabi ko sa headwriter ko, hindi ko na po kaya. pero nase-sense ko na ayaw nyang pumayag. ayaw nyang tapusin ang nasimulan ko. so wala akong choice kundi sige lang. ipagpatuloy kung hangga'ng saan abutin ng deadline. at this point i never really thought i'd be able to finish all five days.
SATURDAYU, NOV 21. stuck in day 1. parang dalawang araw na ako sa day 1. everytime bumababa sa den ang headwriter ko para kumustahin ako, puros "day 1 pa rin po" ang nairereport ko sa kanya. kasi ang day 1, entirely new din. waaah. ito yung sobrang entirely new, worse than 4 or 5. at this point i knew, it would take a miracle para matapos ko ito. the miracle had been an extended deadline. thank you lord jesus for the miracle.
FRIDAY, NOV 20. day 1 blues. 1st night ko sa bahay ng headwriter ko. takot na takot ako sa impending work to be done. kaya mega-consult ako with every step. takot magkamali. praying, praying, praying.
okay. may pagpapatuloy pa ang whoppin whirlwind days ko. dahil may bukas pa for Week 14 Day 5 draft 3 at sunday for Week 15 Day 1 draft 1. lord help me. i need my saturday night off, kahit practical me would surely stay home and keep writing. pero 2 weeks na kaming di nagkikita ng oso ko. wawa naman sya. pag busy ka hindi mo nararamdaman ang mga araw sa pagitan ng bawat pagkikita. pero sabi ng utak mo, hoy, kailangan mong maramdaman.
kaya nami-miss kita. sobrang miss kita. kahit ang buong pagkatao ko, nasa trabaho ngayon, there will always be a little window in my schedule for you.
No comments:
Post a Comment