in fairness sa mga scripts na nabasa ko from a new side project, nae-educate ako sa economics ng daily life. haha. i shouldn't be spending more than what i'm earning, kaya nagi-guilty ako ngayon, dahil IN HEAT ang pusa ko pero wala ako sa (financial) position para gumastos ng P800 para dalhin sya sa siamese stud service. at kahit na pumayag ang stud service na P400 muna ang i-downpayment ko, i really shouldn't be spending that much money dahil isang linggo away pa ang next sweldo.
kaso i shouldn't let this moment pass. baka bukas, wala na siya. kailangan ko nang ipakasta si keanna ngayon, or else yung pusakal na barako na naman sa labas ang bubuntis sa kanya.
kaya for the first time, i'm touching my savings account. waah. naisip ko kanina, di bale may raket namang paparating kaya kahit papano maibabalik ko naman ang "inutang" ko sa bangko. until nagtext ang line producer ko para sabihin na may problema sa schedules ng mga artista namin, at mukhang december 14 pa sila pwedeng magshoot. which might mean na mauunsyami ang inaasahan kong pa-christmas bonus ng raket na ito. syempre, that would be the least of my problems where this project is concerned, pero sad pa rin ako on the side dahil sa minor concern na yon.
naiinis din ako sa schedule ko sa day job dahil unpredictable sya. unconducive for rakets. not to say na hindi ako grateful. grateful ako. dahil nasa isang magandang posisyon ako ng buhay ko ngayon, career-wise. hindi magandang-maganda, dahil mahaba pa ang itatakbo ko, marami pa kong bigas na kakainin, kung baguio ang destinasyon ko eh nasa NLEX pa lang ako ngayon. pero masaya naman ako na ine-encourage akong umusad, at naaappreciate ng mga tao sa paligid ko ang effort at mileage na naibibigay ko so far.
kaya salamat, lord, salamat. i wish i can give more. i wish can do so much more. please help me.
so ngayon may appointment ako ng alas-3 sa magiging kapartner ni keanna. at 230 na hindi pa ko naliligo. bwitre. kagabi lang ako nakakumpleto ng tulog since my last script submission kaya bumubwelo pa lang ako, pero ang daming dapat gawin for the raket. waaah.
kaya gusto ko munang i-erase ang ibang bagay na nakakapagpalungkot sa akin ngayon, lalo na yung mga bagay na hindi naman kasalanan ng ibang tao. three years ago i would just shrug it off pero iba na ang mga bagay-bagay ngayon. that doesn't mean i can't shrug it off, still. dahil lagi naman tayong may choice. at pagdating sa feelings at pag-iisip, wala namang pwede makaalam (at makakakontrol) noon kundi ako lang.
i'm upset and it seems illogical to be upset. if you ask me why, ni hindi ko masasagot kung bakit. at dahil kahit ako mismo wala akong magawa sa nararamdaman ko, i feel helpless and frustrated that i feel this way dahil wala rin naman akong magagawa about me and the situation, i'm just shrugging off everything for now. dahil marami pang dapat gawin. marami pang ibang dapat problemahin.
sabi nga sa nabasa kong script, don't spend more than what you're earning. come to think of it, matagal ko nang alam yan at matagal ko na ring ina-aaply sa buhay ko, hindi nga lang sa pera. haha.
No comments:
Post a Comment