had to skip lunch to finish something for a deadline. nakakabusog pala ang stress? akalain mong concept lang na maituturing pero ke hirap hirap pala? parang mas madali pa sa aking magscripting kesa mag-isip ng concept.
tama ang kutob ko. change concept. pero di naman siguro mapupunta sa wala ang scripts na binuno. i trust and believe, lord. :-)
the other night pinilit akong maglead ng prayer sa premiere night ng soap operang kinabibilingan ko. halos himatayin ako sa kaba. napabili pa ko ng cheap na mukha namang presentableng formal evening dress. at napabili din ang headwriter kong chakang-chaka sa sapatos kong suot noon ng sapatos para sa akin. nakakalurkey. the best surprise gift of the year. all of a sudden i became an owner of quite an expensive pair of signature shoes! salamat sa mabait at mapagmahal kong headwriter! :-D
one down, three to go. natatakot ako sa scenario ng sabay sabay na kelangang gawin for different projects. natatakot ako na baka sumablay dahil sa sobrang dami. sana naman wag umabot sa ganon. at kung umabot man sa ganon, sana wag akong sumablay. sana magawa ko ang lahat lahat nang maganda at maayos...and on time.
miss na miss ko ang anak ko each time may trabahong kelangang tapusin. kasi pag me kelangang tapusin iniiwasan ko muna siya. hindi ako makaconcentrate when i'm in the same place with her. pag naririnig ko siya o nakikita, di ko matiis di sya lapitan. guilt and love. deadly anti-deadline combination.
kaya ngayong tapos na ko sa deadline #1 play play muna kami ni aysiebear. nag-aaral na syang gumapang pero di pa nya kayang umurong paabante. puro paatras, hehe. nagpalit na rin sya ng gatas (for babies 6 months and up) atsabi ng doktor pwede na rin syang kumain ng solid foods. slight lang, wag biglaan. kaya pwede na sa kanya ang paunti-unting egg yolk, mashed potatoes, mashed carrots, mashes bananas, etc. excited na kong pakainin si aysie ng pagkain. feeling ko magiging matakaw sya, tulad ko. haha.
me dalawang trabahong kelangan pang gawin. yung isa, dapat matapos within today, dahil tomorrow balak kong umuwi sa family home. kaya kaunting pahinga na lang, gogogo na ko.
deadma na sa lunch. early dinner na lang later. and that's a day in the life of stressie old me.
p.s. it's that time of the year again. i'm smelling summer in the air. beachlust!!!!!! i dream of going to bora this summer. sana, sana sana matuloy. at sana may windfall moolah para station 1 ako makatuloy. lord, sana!
Friday, February 25, 2011
Tuesday, February 22, 2011
post deadline highs
sarap gumawa ng kahit ano pag tapos na deadline mo. ang gaan sa pakiramdam, considering these past 4 days. na nataon pa ang binyag ng baby girl namin last saturday.
happy and proud to finally show her to our friends. sobrang cute na cute ako kay aysie bear parang gusto ko syang laging niyayakap. kawawa naman ang pusa ko sa marikina, medyo narelegate sya sa backburner...kasi pag may baby ka you can't cuddle your cat too much. baka pag kinarga mo ang bata, hikain ang bata. so it's either or. :-(
stressie tomas ang deadline. may meeting bukas emergency daw. i have a bad bad hunch. kung sakali mang nagbago sila ng isip and they want to do something else, sana hindi naman masayang yung efforts namin. sana magtranslate to pesososes ang pagpupuyat, pagsestress at pakikipag-usap sa laptop sa madaling araw.
tramway. mmm. craving for it. i'm so hungry these days.

Thursday, February 17, 2011
eto na...eto naaaa!
* windang. dahil nagsisimula nang mag-pickup ang kabusyhan sa buhay. nararamdaman ko, parating na ang panahon which i've been half-dreading, half-hoping for. scared now, pero walang ibang choice kundi kayanin. lahat ng nagseseryoso sa trabahong ito, papunta doon.
* sabay-sabay. di mo alam kung ano'ng trabaho ang uunahin. kulangn sa tulog, madalas wala sa bahay. deadlines. paigsi nang paigsi ang timeframe, parami nang parami ang scripts. di po ako nagrereklamo lord. naghihinga lang. at nagpapasalamat dahil may trabaho at may pupuntahan. i don't want to disappoint anybody, least of all myself.
* ano'ng mas naeenjoy kong trabaho? maging writer o maging ina? hands down, the latter. kahit hindi ako bayaran, gagawin ko. everytime wala ako sa bahay at gumagabi na, tinitingnan ko na lang ang pictures ng anak ko sa cellphone ko para di ko sya masyadong mamiss. pero namimiss ko lang sya lalo. it's a mad circle.
* i never really liked the hassles of shopping but i love shopping now when it's for my daughter. i love buying her things, from little dresses and kikay things and toys to her bare essentials. she's at her cutest now. feeling ko, 6 months na talaga ang cute nya. she's started to roll over now. kaya na nyang umupo pero wobbly pa.
* natatakot ako sa flagship project na yan. just listening in and learning from the seniors. natatakot ako dahil feeling ko mawiwindang ang mundo ko kapag pinasampa ako. alam nila kung kelan ready na ang isang tao. i want to be good, really really good, and i want career advancement, pero sana pasabakin na nila ko pag kayang-kaya ko na. definitely not today or tomorrow.
* time. lagi akong kulang sa time. pero kahit maraming dapat gawin di ko nakakalimutan mag cafe world everyday. nakakaadik sya.
* binyag ng anak ko sa sabado. pero may deadline sa monday. kasal ko, may deadline. nanganak ako, may deadline. ngayon may deadline pa rin. okay lang, at least laging may trabaho. thank you lord!
* i wanna be a billionaire! so freakin' bad! kaso sa ngayon marami pang gastos! lord, sana dumating din ako dyan!
* ahhhh! magsulat ka na, ampotah!

Subscribe to:
Posts (Atom)