Saturday, February 28, 2015

And the mistress is on a roll

while the "wife" is away...you know what they say.

kaya habang may free time pa in between script drafts, laro-laro muna ako with our little cookie-making business.

apparently, hindi ko na sya mabitawan. dahil pati husband kong si osobear, involved na sa "affair" na ito.

habang dumadami ang mga orders, lalo lang kaming naiinlove sa kanya. and i couldn't help fantasizing that someday, who knows...maybe the mistress could someday be my wife. someday. pero siguro, medyo matagal pang someday yon.

then again. who knows?

ngayon, tatlong standing orders for the month of march. nakapila ang mga nagpapagawa ng samples (samples really help close deals!). at kung matutuloy lahat yun, meron na kaming orders for april, may, and september :-)

kakaiba yung thrill. thank you lord. sana magtuluy-tuloy na. kahit kumakain ng oras sa araw at gabi, kahit imbes na matulog, makipagbonding, o maglamyerda eh nagbebake kami...okay lang. ganyan daw talaga pag nagsisimula ng negosyo. parang pagpapalaki ng anak. pagpupuyatan mo, pagtutuunan mo ng oras at atensyon habang nagsisimula mo pa lang syang mabuhay.

maraming salamat po uli, lord. sana po, mapagsabay ko ang relationships ko with the wife and the mistress. sana po maperfect ko ang time management at magkaroon din ng time for the mistress nang mas marami-rami.

Time, not money, is the most precious commodity on earth.