Monday at 1am. week 9, done. yey. usually, tuesday night natatapos ang isang script week. usually, 7 days an isang script week. wednesday ako nagstart ng week 9. tinulungan na ko sa treatment ng cm/hw for days 2 and 3. medyo mabilis this time. medyo lang.
parang hinahatak mo, bawat araw. Monday episode...Tuesday ep...pagdating ng Wednesday, pagod ka na. nasanay ka kasi ng 3 script days lang. pero sa 7 script weeks na nasulat mo so far, somehow lumalakas na ang resistensya mo. pagkain at monster at e-cig at kape lang ang katapat nyan, mairaraos mo din ang Thursday at Friday ep.
Pag binasa nila, ambilis lang. in a matter of minutes, done. Lalo na pag pinanood. Di nila alam, bawat episode...parang bowel movement...parang panganganak. hindi ako batikan o datihan, ilang taon pa lang akong nagsusulat at first time ko mag-isa under a cm/headwriter. kaya para sa akin hindi biro iraos ang bawat araw. bawas-ganda, dagdag-timbang every single writing day.
hindi ako nagrarant. halong rant and rave, actually. dahil kahit tunog reklamo...the fact na kinukwento ko...ibig sabihin chinecherish ko ang experience. naeenjoy ko ang adventure. i don't like talking about the things that are truly rant-able. at least not online.
natutuwa ako na penultimate na. kasi 2nd script ko pa lang noon, umiiyak na ko sa stress. takot akong mag-fail. takot akong makadisappoint. takot akong malate (kahit takot ako, late pa rin most of the time). di ko inisip na i'd make it this far. 13 weeks airing, 11 scripts, 9 of them with me as epw. hindi kami phenomenal, hindi kami extended (actually, natutuwa ako sa fact na to) pero thank you lord sa experience. thank you po talaga for something new. a chance to spread my wings and grow. it wasn't something that i had wanted so badly to do, pero kaya siguro binigay kasi it was something i needed to do. (para masulit ang monthly rf).
basta po, thank you lord. malapit sa puso ko ang project na 'to. it didn't come from me, but i helped raise it and came to love it as my own. parang si carissa kay francis lang.
thank you thank you lord.