May nahalukay ako sa old blog ko
from January 2008. Matinding crisis ang pinagdadaanan ko noon. Turning point sa
buhay ko. Paradigm shift nang sobra.
"today is the day.
when i got the message yesterday, sumama ang
pakiramdam ko. natakot ako na baka mangyari ang kinatatakutan ko, na baka
mangyari uli yung nangyari nung december 29.
stick with the truth. maniwala man sila o hindi. at least you told the truth.
* * *
december 30. linggo.
nagkita kami ni BBB sa MRT Cubao. sabi ko, simba muna tayo sa baclaran.
bumaba kami ng taft, sumakay ng LRT papuntang baclaran. bagong lugar. refreshing palang pumunta sa bagong lugar pag may problema ka.
bukod sa mga bagong lugar, refreshing din palang maglakad-lakad. kahit saan, basta naglalakad.
bago makarating ng baclaran church, dumaan kami sa mataong eskinita. talipapa pala sya. kahit yun, refreshing din. maputik, maingay, masikip pero welcome sa kin yung bagong lugar.
finally, nakarating kami sa simbahan. may misa. tagal ko nang hindi naka-attend ng misa.
pagkatapos ng misa, nag-commute kami papuntang star city. bumaba kami sa harap ng CCP. naalala ko yung mga araw ng c1nem@laya. naisip ko nun kung makakasali pa kaya ako sa c1nemalaya. tanggapin pa kaya nila ako? bumalik na naman yung bad feelings from the day before, pero hindi ko na ibinuhos sa kasama ko. kasi special ang araw na yon, ayokong sirain.
star city. first time kong makapunta dun.
all access ang pinili namin. takot ako sa mga rides na nanghahalukay ng bituka. sobra. pero yung kasama ko parang addict yata sa mga ganun. una naming sinakyan yung Viking, malaking barko na nakalambitin. halukay bituka level 3 in a scale of 1 to 5, pero dahil napakatagal ng ride, naging level 4 sya sa kin. parang bubulwak ang mga lamang loob ko sa paulit-ulit na pagkaka-itsa sa hangin.
sabi ko kay BBB, ayoko na ng mga ganong rides please. ang mokong, na-bad trip sa kin. ang KJ ko daw. pilitan portion ito. sabi ko, sumakay kang mag-isa, papanoorin na lang kita. takot namang sumakay mag-isa!
eh di sige na nga, pasalamat sya mabait ako. chos. pumila na kami for halukay bituka ride #2. Blizzard ang tawag sa ride, parang mini rollercoaster. bawat ride isang oras kang pipila at may isang oras akong dreadfully waiting, habang pinapanood ang mga naunang sumasakay. pagbaba nila, halos lahat hindi maipinta ang mga mukha sa hilo/excitement/shock. sabi ni BBB, pumikit na lang daw ako. pumikit ako pero nakakaloka pa rin. mararamdaman mo yung sobrang bilis nyo na para kayong babangga. buti na lang mabilis lang yung ride, kaya halukay bituka level 3 lang din sya.
dahil all access pass kami, lahat na yata ng horror hauses pinasok namin. ang corny pero enjoy, kasi masarap lang magsisigaw. pag natatakot ka parang sumasaya ka na rin.
maga-alas dose na nung pumila kami para sa Log Jam (?), yung nakasakay ka sa isang raft tapos magsa-slide down kayo sa isang sloping water stream. nung turn na namin sumakay sa raft tamang-tamang alas dose na. happy anniversary!
naloka na naman ako sa halukay bituka ride na to. love ko ang tubig pero napaka-steep ng pagsa-slide-an nyo, at walang safety belt ampotah! kaya gravity at si BBB na lang ang naging sources of security ko. ganun din, sa sobrang bilis para kayong babangga, pero maikli lang yung ride. kaya halukay bituka level 2 lang din sya.
sabi ko, naku baka maging tulad ng log jam ang next year natin.
sabi nya, ayaw mo nun, exciting?
ako: exciting, pero puro ups and downs.
sya: eh ganun naman talaga, di ba?
tameme na ko. hindi ko kasi alam kung gusto ko yung ganung klaseng buhay. yung parang ride na exciting pero hahalukayin ang bituka mo. at that time parang mas gusto ko na lang sumakay sa carousel.
pero on second thought, ayoko din ng carousel. kasi paikot-ikot lang yun, walang pupuntahan.
well at least na-survive ko yung tatlong nakakatakot na rides na yun. sige, ok ako sa log jam type of life. basta ba sa ending maassure ko ang sarili ko na masu-survive ko ang lahat lahat in the end.
eh ang problema, hindi naman ganun ang life. wala namang assurance sa kahit ano. haha.
naalala ko nung 8 years old ako at sumakay ng ferris wheel sa perya. hindi ko nakayanan ang halukay bituka factor. level 5 talaga non, for an 8yearold. umiyak ako, sabi ko sa tita ko, patigilin yung ferris wheel. tinigil nga, at bumaba ako. may option na ganon. pwede naman e. walang nawala sa kin. except yung experience ng matapos ko ang first ever ferris wheel ride of my life.
eto na naman ang ferris wheel, star city Ride#4. natense ako dahil sa sobrang taas from sea level. pero hindi naman pala sya nakakatakot. para ka lang nag-hot air balloon. masaya! yun yon e. buti na lang sumakay ako. otherwise hindi ko alam na hindi naman pala sya scary. me kasabihan din tungkol sa ganito devah. haha.
andaming naglipanang mga nagde-date sa star city nung gabing yon. para talagang pang-date venue sya in the conventional, textbook sense. sabi ko kay BBB, ano kaya kung dito mo ko dinala nung first date natin? sabi nya, siguro hindi mo ko sinagot. haha. true!
at the end of the night masaya naman, parang hindi ako nagngangangawa nung the night before. walang traces nun, nung gabing yon. sayang nga lang wala akong camera."

Reading this, remembering that
time…naiyak na lang ako bigla. Kahit pala 6 years na, andami nang nangyari sa
buhay ko, and I’ve all but moved on, pag nirelive mo at binasa mo…masakit pa
rin. Para kang nagtatime travel sa time na yon, pero iba na ang perspective mo.
dahil nung sinusulat ko ang entry na ‘to noon, I wasn’t writing with metaphors
or rhetorics in mind. Reading it again,
it was just so painfully poignant, how everything just reflected the
state of my life at that time, maybe subconsciously I had been aware, but I was
just writing for catharsis. Just writing
to let it out. How the events of my day in the wake of a painful event somehow
distracted me from the pain.
It was painfully beautiful, too, how raw I had sounded, how honest, in my mother tongue, not outright saying
everything I was feeling, not completely aware of the things I was realizing.
Nas apunto pa ako ng pag-iin-in. pagpoproseso. Basag na basag pa ako. kaya
siguro sobrang totoo.
Looking back. God had been there.
I had sinned. I had caused pain. And possibly, trauma. But God had been there.
In the people who surrounded me and gave me support and love. in otap, on that
Star City night. In Monj, during that afternoon talk in sm north. In rose,
during that night when I had called her on the phone. God had been with me the
whole time. He had helped me get through it. Just like in that song Footprints
in the Sand.
Thank you Lord, for friends. For
loved ones. Thank you Lord, for having been there for me, even if I hadn’t been
there for you much. I’m so sorry, Lord. I will try to be there for you more
often. You have been so good to me. You have been so good to my family. Despite
my indifference. Despite my emotional absence. Despite my mistakes and
weaknesses. You helped me survive that difficult time.
Hanggang ngayon Lord hindi ko pa
alam kung anong ibig sabihin non. I had thought that you had wanted me to give
up on directing. Have I learned the lesson, Lord? Have you redirected me to
where I should be? Am I really meant to write?
Or maybe it wasn’t a lesson about
what career to choose? It was a lesson about too much ambition, and how it can
blind you. Literally. Seeing without really seeing. Blind and deaf and numb to
the situations of other people around you.
Maybe that was the lesson. Sana
po, natutunan ko na. Sana po, after 34 years, mas sensitive na ako sa mga tao
sa paligid ko. Dahil kapag namatay ang isang tao, hindi mahalga kung naging
magaling syang direktor o writer o anuman.
Mahalaga kung naging mabuti syang tao.
Lord, gusto ko pong maging
mabuting tao. I want to be better as a person than what I am now. Please show
me how, Lord. I want to be a better mother and wife, a better daughter and
sister, a better friend. Please, Lord, tell me how.