Saturday, July 17, 2004

random thoughts

- gusto kong manood ng hoobastank. kelan ba yun, august something? 16 or 17? kaya lang...asa pa ko di ba.
- isa sa mga pangarap ko sa buhay ang magkaroon ng mga magagandang anak. improvement of the race, baga. panalo sana kung eurasian ang hitsura ng mga magiging anak ko, tamo sina Bea Alonso at Assunta de Rossi...ka-suwerte ng mga nanay nila at dumating sa pamilya ang magandang halo ng dugo. Di pa man 18 ang mga ihang ito e sila na ang nagpapayaman sa mga nanay nila. (not that i would do the same to my kid if i'm put in the same situation...magulo ang showbiz noh). hay, bakit ngayon ko lang naisip to? kung noon pa e di sana sinamantala ko na nung nasa France ako para mangarir ng mga prospective fathers para sa future babies ko. Hehe, joke.
- kasalanan ko ba kung hindi ako isang Belle? Hindi, di ba? So it's Belles that he wants, no more no less; it's not my fault that i'm not one. Di ko na hawak yun. Okay. Fine.
- syet, ang aga ng call time bukas. alas-3 ng umaga. kelangang mag-ipon ng lakas. madugo pa naman ang mga eksena. sana masaya akong uuwi after packup. kahit pagod.
- gusto kong pumunta ng nueva ecija. dumating na kasi yung friend naming si MADS, galing barko. she works there as a cruise photographer. asteg, lumibot na ng mundo ang lola ko. laki pa ng sweldo. for sure maraming kwento yun. for sure maraming na-meet yun na prospective sperm donors. hehe. (hmm...bakit di na lang kaya ako magbarko?)
 

No comments: