for many months now, nasa tuktok ng list of Movies to Look Forward To ko ang
"Golden Compass". kasi, from what i'd seen in the trailers, sya yung tipo ng pelikulang pwede kong ihanay sa "Neverending Story", "Legend", at "Labyrinth"--movies that i got lost in, as a child. na-miss ko rin yung mga ganong pelikula, yung mga panahong yon. na pag manonood ako ng pelikula, buong puso akong naniniwala sa mundong pinapakita sa kin, hindi ako nagki-critique, naga-analyze, o nag-iisip kung ano bang nangyayari sa likod ng camera.
finally, napanood ko na ang Golden Compass kahapon. sobrang disappointed ako. i was prepared to get lost in it. i was prepared to set all my "adult" sensibilities aside. kaso binigo ako. hindi ako kumagat sa mundo. maganda ang special effects. maganda ang CGIs. maganda ang itsura ng buong pelikula. pero hindi ako kumagat.
siguro kung napanood ko to nung 8 years old ako, baka gustong gusto ko din sya. o siguro hindi. kasi above and beyond everything else, storya pa rin ang magdadala sa isang pelikula. primal need yon ng isang manonood. kahit batang 8 years old alam kung aling pelikula ang puro pa-epek lang at kung alin ang hindi.
so siguro kung 8 years old ako at napanood ko ang "Golden Compass" ngayon, mamamangha ako sa special effects, sa polar bears na nagsasalita, sa barkong lumilipad. pero pag lumaki na ko, makakalimutan ko rin sya. kasi hindi buo ang storya. parang prelude lang sa isang part two. eh hindi ko naman alam na magkaka-part two pala ang Golden Compass nung pumasok ako sa sinehan, kaya hindi hinanda ang loob ko. kaya feeling ko, harang. bitin. shortchanged ako. hindi pa nga ako nakasakay sa concerns ng bidang batang babae, tapos na ang pelikula. ano ba yon? nakakadisillusion.
ang guwapo pa naman ni daniel craig. kaso ni wala pa yatang 20 minutes ang onscreen appearance nya. at sa 20 minutes na yon hindi ko nakilala ang character nya. kahit si nicole kidman na uber ganda at talagang lumalamon ng mga kasama nya sa screen, payak pa rin sa mata ko ang character nya. ultimong bida nga, hindi ako endeared. hindi sya naging tao sa mata ko. mas naging tao pa nga yung polar bear na kaibigan nya.
hay. sana hinintay ko na lang sa DVD ang pelikulang to. at ang DVD din ng sequel nya.
No comments:
Post a Comment