the boss direk is dead. four months ago he was diagnosed with cancer. he will be cremated early next week.
the production still owed us, but he was our major source of hope. sabi nila, pag nag-resume na reshoots, mababayaran na kami. and we believed it, because we knew that the boss would not let them break their promise.
but with the boss direk gone, i wonder what will happen to us. wala nang magtatanggol sa min. yung three weeks of work na inutang ang tf, malilibre na lang ba?
boss direk, help us. you are a good man. i know you are in a very good place right now.
* * *
akala ko nasa mata na ko ng buhawi, hindi pa pala.
two remaining weeks to go. ok lang. two weeks ago nakiki-dream night lang ako. parang kahapon lang yun. the next two weeks ought to be a breeze.
as they should be. and i know they will be, pacing-wise.
sabi nila, nagpa-packup-pullout daw sila nung last few days ng OMC.
hindi pa naman nangyari sa min yun, pero malamang mangyayari din soon. this week. sa 1st week ng october.
taena, gusto ko nang matapos 'to.
i miss my osobear. my keanna. my bed.
may mga oras sa madaling araw na hindi ko na alam ang pinaggagawa ko.
most of the time, nanlilimahid ako, at wala na kong pakialam.
waaah. sana october 10 na.
Sunday, September 28, 2008
Wednesday, September 24, 2008
tumambay sa video assist, o sa tabi ng camera?
potah. pagkatapos ng tatlong taon meron pa ring ganito.
sa mga kano kasi, tambay sa video assist. sa pinoy, tambay sa tabi ng camera. may kanya kanyang advantage. usually sa tabi ako ng camera. pero may mga panahon na parang mas advantageous pag nakikita mo ang frame the whole time, para alam mo kung ano ang sakop ng shot.
ang hirap sa ganon, less accessible sa yo ang set, pag malayo ang video assist dito. at hindi ka makakakuha ng continuity stills nang malinaw. potah. pwede bang hatiin ang katawan?
and i mean that. really.
gusto ko na ng creative work. i fuckin swear.

Wednesday, September 17, 2008
three bottles of san mig on a wednesday afternoon
and as i expecteed, i'm tipsy.
* * *
even beyond working hours, something in me stresses out when i hear my stopwatch bleep. parang reflex. ganito yata talaga.
in whatever way i might be able to paint it now, in the future i know i'll definitely remember this. and knowing me, na delayed ang appreciation sa mga bagay-bagay, i'll probably remember these times as golden. kahit ngarag. kahit stressed out. i can't help not loving something that i have invested much on. and this project somehow has been demanding near-total investment from me. more than other projects. in terms of time and effort. but my heart is in a glass case.
flashback to the compost movie. hmm, 1 year ago sinusumpa ko ang pelikulang yon. ngayon...para lang syang...anino. passing me by, like an eclipse.
i guess it doesn't apply to all cases. but this one, i'll definitely remember. good memories or not-so, remains to be seen.
don't mind me, i'm drunk.
* * *
biglang nagkaganang bumili ng beer ang tatay ko kaya sinabay na rin ako. eh gusto kong magpatulog dahil masyadong maaga ang gising ko kanina (on a 5am bedtime, coming from 18 hours of work on set). ito kasing pusa kong KSP, kinukulit ako. kaya kelangan kong magpatulog ulit, dahil may work na naman bukas.
life is just...jolly. when you're drunk.
may problema ko sa paglalagare ng dalawang projects. hindi talaga advisable maglagare, lalo na kung sapaw sapaw ang skeds ng dalawa. kaso magpapasko na kaya medyo nag-money mode ako. pero lesson na 'to sa kin. i won't do this again, unless under special circumstances na hindi maiiwasan.
tired. sleepy. day off today, but the tidal wave has started.
i miss creative work. so. uber.
para kong automaton.
ayoko na.
* * *
people have wanted me to adopt their babies. usually pag ganon nagiging lukewarm ako. ewan ko kung may issue ako sa pag-adopt ng hindi akin. siguro, pag embryo pa lang sya. pero pag out-of-the-womb baby na sya (tulad ng GNW) at matino namang lumabas, siguro pwede pa. hindi ko maintindihan ang sarili ko.
gusto ko kasi, ako ang magje-gestate. ako ang magbubuntis. pagdatin sa personal projects. ang hirap mag-ampon.
inaantok ako. and i'm sneezing now. my mom's dancing to rock music outside my room. i'm sleepy at 2 in the afternoon. my system's weird. thanks to san mig.

Saturday, September 13, 2008
3-day-freedom
and i'm on Day 2 today.
spent Day 1 sleeping, eating, and watching Adam Sandler on cable.
will be spending Day 2 at the Cuneta Astrodome, cheering on pee-dee-ay scholars onstage.
and tomorrow...who knows.
i'm just glad for these three days. even if i know i'll be paying for the bonus later. little sleep, extra stress. strictly speaking, the film has one more month to go before expected packup.
lord. i hope it doesn't stretch beyond that. i just want this to be over.
* * *
crush ko na si Adam Sandler. salamat sa "click". actually, nagustuhan ko din yung pelikula. ang layo nya sa typical Adam Sandler screwball movie, pero that's not really the reason why i liked it. relevant lang kasi siguro sa present life ko ngayon yung sinasabi ng pelikula.
at saka na-realize ko din na may inherent charm talaga si Sandler na lalong na-enhance pag hindi sya nagpapatawa. ever since wedding singer pa lang, kung magre-rewind ako. unassuming, unthreatening, regular-guy-next-door kind of charm. mai-google nga kung may nyowa na sya. haha, as if naman it would make a difference kung meron.
may isa pa kong celebrity crush, si john lloyd cruz. nabuhay uli ang crush ko sa kanya nung mapanood ko yung avsl. first movie ko sa production si john lloyd ang bida, at kahit noon pa hindi ko sya matingnan nang diretso sa mata. haha.
tapos one time sa elevator nakasabay ko yung ka-loveteam nya sa b3tty l@ fe@, si bea alonzo. in costume. yun pala may taping ang b2tty somewhere within the building. pagdating ko ng office ni osobear, sinabi ko sa lahat na nakasabay ko si b3tty. sabi nung isang bading dun, "ah kaya pala nakasabay ko si lloydie kanina sa elevator."
sabi ko, "putah ka! sana nagpalit na lang tayo!" dahil matagal-tagal ko na ding hindi nakikita si lloydie. haha. inggit talaga ko sa bading na yun...not knowing na magkakaroon din ako ng lloydie elevator experience, much sooner than expected. haha.
it was 3 am. galing akong shoot, at makikitulog sa "condo" on 15th floor (actually, office sya, pero sa dami ng mga taong natutulog dun every night parang nagiging condo na rin). on "taong taga-production" mode, and how--physically, i was at my worst, but i figured, sino ba naman ang makakakita pa sa kin at this time of the night. kahit nga siguro si osobear (na syang sasadyain ko sa 15th floor), tulog na din by then.
laking gulat ko nang bumukas ang elevator and there's lloydie. parang panaginip. llyodie, in plain sight, sa elevator. pumasok ako ng elevator without thinking, and my first instinct was to say hi. na ibinalik naman. i was stunned. parang wish na nagkatotoo, being alone with lloydie in the elevator, at 3 am.
"san ka na ngayon?" he asked. i doubt if he still remembers my name.
i told him, dun pa rin. na actually, galing akong shoot.
"talaga? yung ___?" aba, nahulaan nya. friend kasi sya nung direktor at male star ng project namin.
"oo." then just at a point when i felt na magkakaroon na ng dead air at wala nang mapapag-usapan, i turned to look at the elevator buttons above us. "ay, pababa pala ang elevator na to?"
lloydie laughed. tumigil ang elevator, and as he was about to step out, sabi nya, "bye..."
potah! nakakahiya. sa sobrang windang ko na nakita si lloydie sa loob ng elevator, ni hindi ko na napansin kung pa-up ba sya o pa-down, basta pumasok na lang ako. haha! betty, ikaw ba yan?!
pagdating ko ng 15th floor, fullhouse ang "condo" as usual with snoring bodies all over the floor. pero i couldn't contain my excitement. i had to wake up osobear and tell him, "guess what? nakasabay ko si lloydie sa elevator kanina!" and all he could say was a sleepy, "talaga" and then he went back to sleep. hahaha.
hay. magkakaroon daw ng avsl part 2. at same direk pa rin. di ko alam kung sasama ako dun (if ever na ayain ako). pero si lloydie ang magiging bida. ayoko nun. hindi ko na kasi nagiging crush ang isang artista once na nakatrabaho ko na sila (or in lloydie's case, nakatrabaho ulit). dati crush ko si 3cho, until we did the baguio movie. pati din si vh0ng, until we did the comedian-child star movie.
eh kung si adam sandler kaya. ok lang na mawala ang crush ko sa kanya, kung ang kapalit nun eh makakatrabaho ko sya. cause if that happens, that must mean nakarating na ko sa hollywood, o hollywood ang dumating dito sa pinas. either way, that would be something of a dream come true for me.

Sunday, September 07, 2008
ranting/raving/raging
ang hirap maging positive sa kondisyon ng life ngayon.
alam ko hindi pa todo 'to, we're bound for more toxic days ahead. sa ngayon may mga bonus pang paisa-isang araw na walang shoot, pero pasasaan pa't magkukumahog din kaming lahat, darating at darating ang mga araw na walang uwian, packup to pullout, walang oras para sa liguan, langu-lango ang utak, iinit ang ulo ng direktor sa puyat pagod at pressure, iigsi ang pasensya ng lahat ng tao.
ang hirap maging positive, when now is the best time para mag-ipon ng positivity, habang hindi pa dumarating ang tidal wave. at lahat ng mga gugustuhin mong gawin na hindi mo na magagawa when the days finally come ay dapat gawin na ngayon, habang may oras pa.
ang hirap, dahil bagong grupo na naman, parang ang tagal kong nawala sa mother studio (taon ang binilang, bumalik lang ata ako nung ginawa namin yung Comedian - Child Star movie early this year), at may kanya-kanyang tribu na, at technically ako ay Bagong Salta, at kelangan pang i-earn ang tiwala ng mga katrabaho pagdating sa area ng trabaho ko. eh tatlong taon na yata akong naburo sa trabahong to. mukha kasi daw akong fresh graduate (walang kokontra, hehe) kaya preprod meeting pa lang natanong na ko ng direktor kung first movie ko daw ba ang project na to. haha. sa totoo lang ayoko na nga sa trabahong to. and in my worst moments, parang ayoko na rin sa field na to.
ang hirap maging positive. lalo na pag kahit sa panaginip ko nagtatrabaho pa din ako, parang kung pwede lang na pag-uwi mo after packup may automatic shut-off system that would make you forget work as soon as you get off the shooting set. kaso araw-araw ka ding nasa shooting set, kaya ang hirap. parang most of your waking hours nagtatrabaho ka, kaya nadadala mo pati sa pagtulog mo.
actually, hindi pa nga toxic ngayon. pero ganon na ang nararamdaman ko. kaya minsan ayoko na sa trabahong to. minsan iniisip ko sana tinuloy ko na lang ang advertising career nung 2002, bago ako nag-apply sa mother studio. e di sana mayaman na ko ngayon. at least, yun ang sabi sa kin ng tiyuhin ko nung isang gabi. something i'm getting more and more inclined to believe.
gusto kong magsulat. ewan ko. hindi ko alam kung anong gusto ko.
tinext ako ng isa sa mga kakilala kong producer/writer nung isang araw, may writing project. i doubt kung malaki ang kita dun pero at least fresh challenge uli, after a long time. hindi lang talaga kaya ng schedule.gusto ko pa ring magsulat for tv. gusto ko ng maraming pera. gusto kong magtrabaho sa bahay. gusto ko lagi akong fresh at mabango. gusto ko mas may time ako para sa jowa. gusto ko ng kotse, ng limpak limpak na pera, ng creative na trabaho, ng perks sa trabaho, ng benefits, ng bagong challenge.
hay.
nung first week na nagsabay maggrind ang dalawang pelikulang nilalagare ko ngayon, nagkasakit ako nang bonggang-bongga. flu to the umpth power with matching coughs colds and chills, pero kelangan pa ring pumasok. sumesegue ako sa dalawang movie sets na kadalasan eh parang bangkay na ang itsura (ika nga ng isa kong katrabaho, kulang na lang ihimlay na nila ko).
isang umaga ng alas-6 umuwi ako galing sa shoot, sabi ng nanay ko, hindi ka papasok ngayon. sabi ko, 7:30 on the set kami sa kabila. sabi nya, "putcha, gusto mong mamatay agad? pera lang yan!" in a teary-eyed voice na nakakakurot ng pusong pakinggan. kaya hayun nakinig na lang ako sa kanya at humimlay buong maghapon ng araw na yon (buti may reliever ako kahit papano sa trabaho). na nakatulong naman, kasi gumaling ako.
everytime tumo-toxic ang buhay naaalala ko si manong. bright shining example sya ng di dapat gawin para lang sa pera. health is wealth, kaya ngayon habang maluwag pa ang schedule (relatively), magbabangko na ko ng pahinga.
bukas may shoot na naman. sana hindi pa this week magsimula ang kangaragan. gusto ko lang ng ganito. pero ayoko ng napapanaginipan ko ang trabaho. ampangit!
kagabi on my way home naalala ko yung mga short film concepts na itinago ko na sa baul in favor of life's other concerns. mga hilaw pa sila, hindi pa good enough for shooting, but i believed in their promise, once upon a time. ewan ko kung bakit bigla kong naalala kagabi. gusto ko silang balikan someday, kung by that time eh hindi pa sila passe.
hay. miss ko nang maghang out with friends. miss ko nang lumakbay sa bagong lugar.
naalala ko nung Baguio Bold Movie days namin. na-enjoy ko talaga yon. gusto ko ang ginagawa ko. nage-AD ako kahit continuity ako. ang sipag ko non! ang ganda kasi ng lugar. ngayon parang ang tamad tamad ko na. stick to continuity na lang ako, di na ko nage-effort tumulong sa AD floor work kung hindi ako ang AD sa set (sabagay, dala-dalawa na silang AD ngayon sa set). feeling ko kaya ako ganito ngayon dahil nirereserba ko ang energy ko. recent lang kasi yung nakaranas akong ma-deadbatt halos. hindi masayang experience. nega to the umpth power.
hay. sana humaba pa nang humaba ang mga days off na ganito. ganito na lang ang buhay. mundane, inane, insane. pero at least, may kasiyahan pa din. basta't minamahal ka, at may pamilya ka, at may mga kaibigan ka, at maginhawa at malusog naman ang buhay.
ang ganda ng pusa ko. pag nasa trabaho ko tinitingnan ko lang picture nya sa cellphone ko, napapangiti ako. 7 months old na sya ngayon.

Subscribe to:
Posts (Atom)