di ko alam kung kailan nagsimulang mawalan ng thrill ang birthdays for me. pero these past few years parang gusto ko na lang mairaos ang 1st day ng bagong edad ko. nonetheless, grateful ako sa thoughtfulness na mga taong nag-aabalang bumati sa akin. hindi rin kasi ako mahilig bumati sa mga may birthday kaya di ako nageexpect na mag-abala ang mga tao na i-happy birthday ako.
anyway, how was day 1 of age 31? uneventful. domesticated. spent mostly in the company of my beautiful little babygirl. kung meron man akong greatest achievement in my 31-year existence. it's having given birth to audrey christi. akala ko rhetorics lang when parents would say that their children are "their pride and their joy". but now that i have aysie, i realize na totoo pala yon. waking up next to her in the morning, seeing her smile at me as i greet her "good morning babygirl!", yun ang isa sa mga happiest memories ko of my past year. hugging her, all round and plump and clinging to me, everything else is relegated to the background, set aside for the moment. she is my pride, my joy, my happiness, the warm core of my heart.
pero guilty mom ako, dahil busy ako sa trabaho. may mga gabi na kelangan syang matulog with her yaya dahil nagsusulat ako ng script at di ko sya maaalagaan. may mga araw na buong maghapon di nya ko nakikita, di ko sya nahahawakan. hanggang ngayon, hirap pa rin akong pagsabayin ang trabaho at pagiging nanay without having to compromise either or. pero hoping pa rin ako na masasanay ako. na matututo akong magconcentrate at magfocus, na mamamaster ko ang time management, na i will get over my guilty for the time that i have to function as a worker, para matapos sya agad nang maayos at makabalik na ko sa role ko bilang ina ASAP.
so ngayon may storyline deadline ako. at wala pakong nagagawa masyado. naka-ilang drafts na kami ng storyline, kakagaling ko lang sa pagrerevise ng scripts, at birthday ko ngayon kaya medyo pumepetiks ako. alam ko mali, and i carry the guilt with me as i write this blog (imbes na magsulat ng storyline, talagang may time mag-blog?). pero HAY. isang malaking HAY. just give me this day to be a delinquent. pagpatak ng 12midnight, i'll get straighten up and get back in line.
happy ako. may goal ako. by end of june, may gusto akong maabot. sana maabot ko. crossing fingers, praying to god.
happy 31st birthday to me!!!! yahoo!!!!
Monday, April 25, 2011
Tuesday, April 19, 2011
holy week blues
naiinggit ako sa mga magaout of town this holy week. sa mga pumipila sa airport, sasakay ng bus, pupunta ng bora etc. dahil punong puno ng labada ang holy week ko.
di po ako nagrereklamo lord, naghihinga lang. marami pong salamat dahil yung iba nga walang ginagawa, wala ring kita. kaya thank you so much and yes i'll just embrace it. do what i need to do as well as i can.
ayoko nga sanang maginternet tonight. dahil 10am deadline ko bukas at hindi ako makatutok sa script for the past two days.
pag natapos na to, saka ko mayayakap nang matagal ang anak ko. makakapaglaro na kami ng matagal tagal. pag natapos ko na to. yun na lang iisipin ko. 10am or after holy week na. nakakahiya naman kung after holy week ko na masasubmit.
kaya aalis na ko. have a blessed holy week to y'all!

Subscribe to:
Posts (Atom)