Monday, May 16, 2011

surreal lang...

...na nakasalubong ko sya sa starbucks kanina. ang ultimate crush ko during my office girl days. at kung dati ni hindi ko sya mabati-bati nang magiliw tuwing nagkakasalubong kami noon, ngayon buong ningning ko syang tinawag. at ang sagot nya sa kin? "PAUTANG!"

haha. and worthy of note rin ang little trivia na nangyari ang lahat ng ito sa harap ng aking mister. with nary a trace of jealousy, of course (though it would've been more flattering if there were), at dinaan pa kamo sa biro. "sana pinag-fliptop mo". DUH. men don't get it. we LIKE IT when you're jealous paminsan-minsan.

ayokong markahan ang araw na 'to na 'happy' dahil natatakot ako na baka buweltahan ako ng destiny sa mga susunod na araw. ayokong maging masyadong happy dahil nadala na ako sa kasabihang "happiness overflows into an ocean of tears". so sasabihin ko na lang na surreal ang araw na ito--not primarily because i bumped into the ex-crush---dahil for the first time ever, nagkaroon ako ng interactive, reactive audience among the bosses to whom i presented a concept. little joys, little personal victories na sa akin lang naman importante, pero ang sarap pala ng feeling. na tumatawa sila, tumatango sila, napapa-AAAH sila, na parang nasasakyan nila ang wavelength na binabaybay ko. and it's proof that they're ACTUALLY bothering to listen to the concept. haha.

i've always hated pitching pero ito yata ang isa sa mga rare moments na i actually love pitching. feeling ko kasi i suck at it, but it's part of the job, so i have to hack it. pero basta, little bright spot yun sa araw ko.

anyhoo, lord salamat po. sana po kung gaano kasaya ang araw ko today, ganoon din kasaya bukas. dahil feedback meeting ng council for the youth show. sana naman wag major revisions. sana minor lang. sana madali lang. para makapag-tape na sila. at makasweldo na kami. at makamove on na ko to week2 script.

syet, gusto kong paspasing ang pagpaparenew ng passport ko. dahil gusto kong mag-abroad next month! i will it, i will it! maga-abroad ako next month or sa july! at magiging libre ang pamasahe at accommodations ko! at magagawan ng paraan na mapaspas ang renewal process ng passport ko!

thank you lord for this day! sana happy day din tomorrow and the coming days na magrerevise ako!!!

No comments: