Saturday, June 04, 2011

losing a sister

yesterday my sister-in-law's 6-year battle with cancer was over. she died at 4 pm. she was 44.

nakakawindang lang ang mga pangyayari. how swift yet how long and laborious it all seemed to be--last month lang mukhang okay pa sya, naglalaro ng P vs Z sa sala, naggogrocery, tinuturuan mag-piano ang mga anak nya. pero she fought with the disease for six years, and her final days were just...excruciatingly painful, for her and for the people around her, especially her family.

we were there til her final moments, we were with her when she drew out her final breath, and it was just so painfully surreal, how her body could just give out like that, a machine that was just waiting for itself to conk out. 9 months ko pa lang nakakasama si ate sa bahay, and during those 9 months hindi ako nagkaroon ng enough time talaga para maka-bonding siya. pero sobrang apektado pa rin ako. sobrang bigat pa rin sa loob. yesterday was the first time i ever saw a person actually die, and her death, though it wasn't violent, it was so long and torturous, you'd wish for the sake of the person na sana it would be over. so that the pain would be over. at makapagpahinga na sya.

mabigat sa loob ko na makita syang ganon, pero wala pa yon sa kalingkingan ng nararamdaman ng nanay nya, asawa nya, at mga kapatid nya. kahit yung husband ko na bunsong kapatid nya, who was normally emotionally incorrigible, he started crying at the sight of his sister. understandably so, kasi parang pangalawa nyang nanay yon. when someone you know dies, the shock and the sadness will always remind you of how fragile and helpless we all are. pero iba pag taong sobrang malapit sa yo. iba pag 30 years ng buhay mo, lagi syang nandyan. siya ang laging nagtetake charge sa lahat. pag di mo kayang alagaan ang sarili mo at walang ibang mag-aalaga sa yo, siya ang maasahan mo. kaya di maimagine kung gaano kasakit yun para kay osobear. if i were in his shoes, baka di ko yata kayanin.

at least kahit papano, nakapagpaalam siya nang maayos. nakapagpasalamat siya, at naipaalam nya kay ate kung gaano sya kagrateful. in most cases, when people die and leave us unexpectedly, marami tayong regrets. na sana nasabi kong mahal mo sila, na sana nakapagsorry ka. at least kahit papano, nagawa ng pamilya ni ate jonna yung mga yon sa kanya. up to the last minute of her life, her family was right beside her, holding her hand.

ang personal regret ko, ang igsi ng 9 months. parang kulang pa para mas makilala ko sya, para maging kaibigan. lagi akong busy, at kahit papano nag-aadjust pa rin ako sa bagong pamilya until now. pero sa 9months na yon, may mga nahuhugot akong mga sparkling moments that i will remember her for. tulad nung ikasal kami ni osobear, at siya ang nandun bilang witness. siya ang naging punong abala sa pag-aayos ng kasal namin hanggang sa maliit na family lunch na tumayong "reception" pagkatapos. nang nanganak ako kay aysie, siya ang nag-assist sa amin sa ospital. nang nangangapa pa akong ina sa bagong panganak kong baby, siya ang lagi kong natatanungan, siya ang nagga-guide sa akin.hanggang sa lumaki ang baby ko, para na rin syang naging pangalawang nanay. mahal na mahal nya yung pamangkin nya. sobra. minsan nga nagseselos na ko sa kanya, hehe. nung may libre pa akong oras, sumama ako sa kanila minsan para maggrocery kasama ng mother in law ko. nung kaming dalawa lang ang nasa grocery, tinuturuan nya ko kung paano pumili ng mga kailangan the "wise" way. and during that moment, ramdam ko na pwede ko syang maging ate, dahil maliit pa lang ako gusto ko talagang magkaroon ng ate.

pero masyadong maigsi ang nine months, ate jonna. i wish i could've known you better for far longer. i wish we could've bonded more. pero despite all my regrets, sobrang pasasalamat ko sa yo, sobrang grateful ko sa yo, kasi dahil sa yo lumaki si osobear nang matino...lumaki siya mabuting tao, matibay at responsable. tulad mo. and for that i owe you a great deal, for having raised my husband well. at yung pagmamahal mo sa anak namin, di ko yun matatawaran. alam kong kung nawitness mo lang na lumaki ang pamangkin mo, ikaw ang ituturing nyang pangalawang ina. ayoko nang isipin yung regrets, pero sa maigsing panahon na minahal mo yung anak ko, sobrang appreciated ko yon.sobrang salamat.

nung malubha na ang sakit nya, ayokong isipin na maaatim ng tadhana na kunin sya agad dahil maliliit pa ang tatlo nyang anak. 9 years old ang panganay at 6 years old ang bunso. sabi nga ng husband nya, it's one of life's tragedies that don't make sense. ang daming masasamang loob na salot sa lipunan dyan na ang haba haba ng buhay, bakit si ate pa. yung iba gusto lang magpakamatay, bakit hindi na lang sila. bakit si ate pa na nakakatulong sa maraming tao, na kailangan pa ng pamilya at mga anak nya. pero siguro nga may plano ang diyos. may dahilan ang lahat. hindi pa lang natin makikita ngayon, pero someday, maybe. diyos ang mas nakakaalam.

ang alam ng mga anak niya, their mama has gone to heaven and will be watching over them from there. mas magaan sa loob isipin na nandoon lang siya, parang nagbakasyon lang. and someday pag natapos na ang mundo magkikita-kita din naman kaming lahat doon. for now, though, we have to face life without her. dahil parang may empty gaping hole syang iniwan sa pamilya ngayon. ganito pala ang pakiramdam, the pain and sadness will not end with the death. coping with the days, weeks, months after losing someone in the family is an entirely different chapter. pero may awa ang diyos, we will all be fine. ang importante, at peace na sya, nakawala na sya sa physical pain ng mundong to.

No comments: