Saturday, July 11, 2015

deadlines at usapang kakikayan

gusto ko ng trabaho kung saan may time akong magpaganda. o kaya, yung bulto ng trabahong gagawin ko ay magpaganda.

parang ang tagal ko nang hindi nageeffort paganda. wala na kasi akong nakakadate on a weekly basis. pag may date ka, effort ka syempre. kaso yung dati kong ka-date, kasama ko na araw-araw. nakikita na nya ang worst of me--bagong gising me, puyat me, ngarag me, dehins-pa-ligo me.

pero syempre di yun dahilan para hindi magpaganda. ang totoong dahilan, wala akong time.

kaya gusto ko ng trabahong bibigyan ako ng chance magpaganda. from head to foot, the whole nine yards, from first base to homerun. namimiss ko yung ganon.

ni ayoko nang magselfie. o magpakuha ng picture. hindi ako natutuwa sa nakikita ko.

ilang oras na lang deadline na, at wala pa akong 10% ng script ko. tang...i....na.

may hello kitty cookies na 70 pieces akong dodrawingan ng mukha, 8am deadline bukas.  mas amdaling gawin yun kesa script.

prayer ko lang lord, sana po, hindi po ako malate nang sobra sa script. yung tipong tomorrow evening po ng 6pm lord. please. help me... please.

pagkatapos ng script na 'to, magpapaganda ako.



No comments: