Thursday, August 30, 2007

rambbbblings

first time magpunta ni big brown baby bear sa tagaytay kahapon. haha. wala lang.

miss ko na tong oso kong to. next week ko na naman sya uli makikita.

hay. bakit may mga instances na parang napakahaba ng panahon.

* * *

miss ko na rin ang manok-pantubig kong blog-neighbor na si maryrose. buti ka pa, nakapag-cinemanila marathon. ang ganda ng blog entry mo for noringai, believe me, kahit ako naka-relate. i agree, when you're still in the middle of it you think magiging big deal ang araw na magiging totally immune ka na sa taong yon, pero when finally dumating na ang araw na yon, halos hindi mo na nga na-realize na dumating at lumipas na sya. parang wala lang.

and then, eventually, the next time you see him, you'll realize that's he's been reduced to Just Another. memories notwithstanding. ika nga ni joey albert, i remember the boy, but i don't remember the feeling anymore. hahaha.

alam mo bang nung huli kong nakita ang paborito kong bading na si FG, bineso nya ko? never pa nyang ginawa yun sa kin, ever, kaya just for the heck of it, i mentally noted the moment. haha. nakakaamoy din siguro talaga ang lola kung may malisya pa sa katawan ang kabeso nya o wala. kahit anong pagtatago ko noon, siguro it really just reeked out of me. instinctively, alam nya; i wouldn't have needed a ted to tell the secret. haha!

gusto kitang kwentuhan tungkol sa first days ni monj as the New Girl in School. haha. pero tsaka na lang pag nagkita tayo. Mean Girls ang role namin nina ted at dado.

* * *

actually, naging doubly happy ang pagbabalik-skwela because of our friend monj. kahit na nadagdagan na naman ang mga "I Have to Win" personalities sa klase. hahaha. monj, magdala ka naman ng masarap na baon sa school. tuyot kasi ang adobong binebenta ni teacher marilou sa canteen. argh!

after every class na lang, sumasakit ang ulo ko. not in a negative way. syempre negative yung fact na masakit sya pero i take it as a good sign. that there's just so much stuff to take in and remember, i'm afraid to let go of all that info. the headache must mean my brain is working extra hard to retain everything.

after every class din, lagi akong may pangamba. lagi akong intimidated. kasi gusto kong ma-put to practice lahat ng mga pinagsasabi ng teacher namin. lagi kaming tsina-challenge. na dapat ganito, dapat ganyan. na ang pagdidirek, hindi lang basta basta. kelangan malalim, kelangan pinag-isipan. pero dapat, effortless. at syempre wag kalimutan na hindi dapat magpakulong sa kahon.

para kong bumalik sa kinder, parang nabura lahat ng mga nagawa ko in the past five years at gusto kong magsimula uli on a fresh blank slate, to do things the way we've been taught, na syempre hindi naman talaga bible-truth but the theories sound sane and sensible and they just might work. parang birth pains. pero hindi ako ang nanay. corny mang pakinggan, pero para kong pinanganak at pinapalaki uli. traumatic daw ipanganak, sabi ni teacher. hindi ko na maalala pero i can imagine being taken out of your comfort zone into an entirely new, unfamiliar world. yung unang higop ng hangin, yung unang paghinga na hindi mo pa nagawa ever. it causes dis-ease (term din nya to, hehe), the kind of anxiety that would manifest in a, hmm, headache.

ayun. nagpseudo-psychoanalyze na ko ng sarili ko. kng bakit laging masakit ang ulo ko every tuesdays and saturdays.

ang nakakaaliw dyan, kung tuesdays and saturdays me klase ako, the next day i'd be working in a real movie shoot. and every now and then, each time may disparity ang kapaligiran ko at sa mga tinuturo sa amin sa loob ng classroom, parang naririnig ko si teacher sa loob ng utak ko.

example:
sabi ni direk pagkatapos panoorin ang na-shoot naming shot, "cool! this is very star wars."
sabi ni teacher sa loob ng utak ko: "try not to make films based on other films."

syempre, quiet lang ako, pero natututo akong maging mas kritikal, to look out for things that i shouldn't do when the time comes na ako na ang sasalang sa napakabigat at daunting na trabaho that is feature film directing. dati ganun ako nung nagsisimula pa lang ako sa mainstream movies. pero nawala na yun unti-unti, dahil unti unti ko ding na-realize na hindi naman kami binabayaran para maging kritiko o creative consultants ng direktor. kesa ma-frustrate ako at mawalan ng tiwala sa direktor at sa project, tinurn off ko na lang ang kung anumang switch sa loob that can drive us to be critical and/or creative. it was fairly easy.

pero ngayon gusto kong i-turn on yon uli. ewan ko lang kung magiging healthy yon para sa project ko ngayon. haha.

hay, sana sabado na!

sori, tao lang

less than a day of pahinga/paghinga.
and then, tomorrow, it's back to the grindhouse again. hahaha.

kahapon, isang tanong ko sa assistant director na ka-tandem ko sa Project Compost: "nagkaroon ka na ba ng pelikula kung san each and every shooting day ninyo, more than 24 hours kayong nagtatrabaho, at sa araw-araw na ginawa ng diyos eh laging may mabibigat na mga eksena?"

sagot nya: "meron. dito."

haha. somehow masaya ako nung malaman kong hindi lang pala ako ang first time na nakakaranas ng ganitong working conditions. kahit yung mga mas nauna pa sa kin sa industriya at quasi-senior na, first time ding mawindang nang ganito.

boiling point. na-realize kong hindi na ko nag-eenjoy. that i would no longer be looking forward to going to work every morning. kasi alam kong kinabukasan na naman ng umaga ang uwi ko. iniisip ko pa lang, nakakapagod na.

madugo kasi ang pelikula, per se. at kung tatanungin mo ang karamihan sa min, hindi humanly possible na matapos mo ang ganon kadugong pelikula in 21 days. pero dahil yun lang ang kaya ng budget, best effort ang mga utaw para ma-meet ang daily schedule. ang resulta, sagaran ang bawat shooting day. 6 am to 6 am lagi, every other day of the week. and it's been this way for 12 shooting days now.

ang resulta, pagod ang mga tao. wala na rin silang social life o oras para sa pamilya/loved ones, dahil kung anumang oras ang meron sila na hindi para sa trabaho, itutulog na lang nila. ang dreary. kasi tao lang yan, kahit gano pa nila kamahal ang ginagawa nila, kapag inatake na sila ng pagod at antok, bibigay at bibigay din ang katawan. siguro yon ang rason kung bakit hindi na ko nag-eenjoy. yung pagod na nararamdaman ko every shooting day, naa-outweigh na ang fulfillment na nararamdaman ko para sa trabaho ko.

ewan ko, dati naman may mga shoots din akong ganito. pero hindi naman kasi every single gawddang day eh 24 hours kami in labor. kadalasan alas-2 ng umaga na ang pinakamakatao. on the average, 1 am ang packup time, kung ang calltime mo eh 6 am the day before. buti na lang bagets pa ang lola nyo. kaya pa ng katawan ang chronic kangaragan nang hindi nagkakasakit (knock on wood). pero mega-laklak na rin ako ng centrum at vitamin c, just to be sure. kasi bawal magkasakit!

hindi lang naman sa Compost movie umiikot ang mundo e. kaya ako naiinis sa kanya ngayon, dahil parang ganon na ang lumalabas. napakademanding sa time. ang hirap pagsabayin ng ganito kademanding na trabaho with other thingies in my life. tulad ng skwela. at pamilya. at love life.

naiinis ako, kasi at this point ayokong umikot ang mundo ko sa iisang bagay o iisang project lang. naiinis ako, dahil nakatali ako, at may dalawang movie offers na gustong-gusto ko (si @dolf Alix, may Batanes movie! si J@de C@stro, may Star Cinema movie!) ang hindi ko matanggap dahil nakatali ako. malaking panghihinayang, na nakakadagdag sa negative feelings towards this current project, pero ganon talaga. you made a commitment, stick by it. and try to make the best of the situation.

kahit naman nabuburyo na ko sa project na to, na-realize kong malaki pa rin naman ang malasakit ko sa kanya. buti na lang, dahil may mahigit 15 days to go pa. kelangan kong magkaroon ng malasakit sa ginagawa ko para ma-survive ang 15 days na yon. sige. let's try to get by. matatapos din to.

Monday, August 20, 2007

bukas

hay, pagod.

my dreariest hours (usually, sa madaling araw, with a dozen scenes to go in our schedule), i wonder what i'm doing here. why i'm not doing what i really want to do. if there really is no choice but to work around the Dream.

alas-onse ng umaga kami napack-up the next day. 30 hours of work. isang araw na naman ang tila ayaw matapos-tapos, and finally, packup.

fuckup. not.
fresh na fresh ang mga estudyante at nag-oopisina pag nakakasulubong ko sila on the way home. ako, dugyot. wish ko talaga, next time na magpakadugyot ako para sa isang pelikula, sana yung pelikula, sarili ko na.

pagod. frustrated.
anong araw na ba? monday?
buti na lang merong bukas.

Thursday, August 16, 2007

special

still reeling from the 24 hour shoot of yesterday and early this morning. left with a bundle of things to do. procrasstinating on this cold stormy night.

have yet to put myself together. damn. i can't. not right now. the things-to-do are splinters in my brain. they won't leave me in peace. but i'm too afraid to face them. not looking forward to the dis-ease.

AHHHHHHH! i swear! just get them over with and move on, dangit.

i'm fully-booked for the rest of the week. shoot tomorrow, class on saturday, shoot on sunday. i would've been happy about being busy. but i'm tired. it seems as if i'm always tired these days.

here there and everywhere. yet what i really want in my worst moments, having to be up-and-about in any god-given shooting set (when the rest of the world is asleep in their homes), is to go grocery-shopping with someone i really, really love.

haha. you meet so many people everyday, old and new, the beautiful, the famous, the critically-acclaimed. heroes, extraordinary people, people you look up to, people you've crossed paths with at some point in your life. and yet nothing compares.

special. i wouldn't exchange a day with anyone with a day with you.

arghhhh. ayoko pang gawin ang mga dapat gawin. marami akong excuses, maraming delaying tactics. but duty comes first. so just get friggin on with it, beeyatch.

Tuesday, August 14, 2007

moot and academic

it was unfair to react that way. cause i was reacting to something that's already moot and academic.

pero iba kasi ang kinukuwento sa nakikita e. mas harsh kasi ang biswal. madaling i-tone down ang isang kwento, but a picture can say a thousand words. so they say.

my mind tells me otherwise, my mind knows the truth. but still. kahit moot and academic na, masakit pa rin pala.