2 days before christmas.
still have a bunch of other stuff to tell, little movie-ish incidents from the past several days that i just have to write outta me, but two events that happened last night are simply begging to be told...as far as my current state-of-mind is concerned.
masaya kasi ko ngayon. so here goes.
first event, i was at the movie premiere of the new Judy Ann-Ryan Agoncillo movie last night, that MMFF domesticomedy directed by J0ey R3yes. in fairness, maganda sya. funny, witty, insightful, never a dull moment. trademark J0ey Reyes. pero may comment lang ako sa ending.
(oops, slight spoilers ahead!)
in the movie, wife is 9 months pregnant and she catches her husband redhanded with another woman. she separates with him, he goes after her--not to apologize, but to point out to her kung bakit "tumikim sya ng ibang ulam". the incident ends with the girl giving birth. at the hospital bed, after delivery, after a heartfelt "sorry" from hubby dearie (and a "crying daddy" moment with the newborn baby), wifey--purportedly a headstrong woman, as the movie has built her up to be--finds her resolve crumbling. she falls into a kiss with hubby. the end.
as a viewer, it didn't bother me at all. na-carry naman ng pelikula yung ending na ganon. pero as a person, siguro kung ako si jud@i, hindi pa matatapos ang pelikula don. hello? nahuli mo yung lalake na pinipindeho ka habang buntis ka? tapos konting sorry, konting iyak, may-i-melt-in-his-arms ka na agad?
ehe. para naman kasing ganon kadaling ibalik ang nawala di ba. tiwala ang nawala, at kung ikaw ang tipong hirap na hirap magtiwala at finally eh napaniwala na, only to end up duped in the end, ang hirap naman yata ng ganong resolution sa kwento. masyadong madali para sa lalake.
pero ako lang yon. like i said, na-carry naman ng pelikula ang semi-instant reconciliation. kasi pwede akong maniwala na mahal na mahal talaga ni jud@i si ry@n kaya isang simpleng sincere "sorry" lang ang kailangan para mabalik agad ang tiwala. siguro nga, kung mahal mo ang isang tao, hindi na kakailanganin ng isang climactic chase-me-all-over-the-metropolis sequence para lang mapatunayan nya sa yo na mahal ka talaga nya at taos-puso ang kanyang pagsisisi. simpleng "sorry" at konting luha lang, pwede na sa yo. mahal mo e.
kaya nakakatakot magmahal e. kasi nagiging tanga ka. haha!
naisip ko tuloy, pano kaya kung si Direk yon? pano kung naging kami (shet, iniisip ko pa lang kinikilig na ko hahaha), and then one day i catch him red-handed with another man? shet, heartbreak! hindi ko yata kakayanin. baka magbigti ako sa puno ng kamatis. o di kaya eh bumalik na naman sa favorite kong pseudo-goth chick getup at mag-spew na naman ng angst dito. ang hirap mag-invest ng emosyon sa isang taong alam mong pwede kang paasahin at biguin kaya dito na lang ako sa safe (read: bading! safe kainlaban! kasi alam mong hanggang don na lang at hindi ka na magkakaroon ng greater expectations!). kaya buti na lang talaga bading si direk. in a way, blessing yon sa kin. haha.
come to think of it, though, kung bumaliktad naman ang mundo at maging straight sya i know i wouldn't have been his type. my lot in life. the ones i love wouldn't go for the likes of me. eh ganon e. manonood na lang ako ng mga kiligcomedies tulad ng "K@s@l, K@sal1, K@salo" to get my kilig fix.
speaking of kilig, a personally momentous event happened last night at work. for the first time i got to speak with the Direk on the mobile phone. haha. hindi yon ang talagang momentous moment pero dun nag-ugat. kasi i'd been keeping his number on my directory for the longest time but i couldn't find the appropriate excuse to get in touch with him. and then, the opportune time came along. to ask something about work. something urgent and important.
during the talk, while fiddling with his laptop to check a script file he'd sent for voiceover dubbing, he casually tossed me a question. out of the blue.
"eh kamusta naman ang love life mo? kwentuhan mo ko."
shet!
he'd probably read the fwendster bulletins i'd posted lately (bile-bitter angst in little doses) and had been perceptive enough to piece together the story (ehe! may story?!). still i was caught offguard by the question. i thought i'd heard wrong. kasi hindi naman kami close, at stalwart nga sya di ba, ba't naman sya mag-aaksaya ng panahon magbasa ng mga pesteng bulletin board surveys ng mga pathetic souls-in-need-of-catharsis na tulad ko, at kung madaananan man ng mata nya ang mga sagot ko don, sino ba naman ako para maalala pa nya kung anong ka-cheapang angst ang binubuga ko sa mga ka-cheapang Q&A na tulad ng mga yon?!
haha! kilometric rationalization. overwhelmed kasi ako.
parang nung time na sinabi nyang lagi nyang binabasa ang fwendster profile ko. caught offguard din. nanlaki ang mata, hindi makapaniwala. ikaw, nagbabasa ng profile ko? kilig na nakakainis, kasi, yun nga, sana hindi na lang sya nagbibitiw ng mga memorable oneliners na ganon.
kasi, yun nga, we know the story.
pero kilig pa rin. kahit logic tells me na wala namang ibig sabihin yon. eh ganon e.
see? kaya ayokong ma-in love e. crush pa nga lang, natatanga na ko.
1 comment:
eh hello...pano naman nya kaya matutunton ang blog na to? unless sabihin mo. hahaha.
syempre hindi intentional ang mga clues. pero para san pa't may anonymous blog kung hindi rin lang ako malayang makapaglalabas ng pagkaluka-luka ko! so kebs na sa makabasa...eh ganon e! :-D
Post a Comment