hay. and such is the life.
still temporarily living away from home.dume-depress-depressan. feeling lost and rootless and all that ka-dramahan.
hayyy. miss ko na kapatid kong mataba.
first day of shoot ng baby project ni Favorite Direk the other day. from 7 am til 6 am the next day. ang init sa set, para kaming nasa sauna bath buong maghapon at gabi. scheduled scenes for the first day included a blow job scene in the afternoon and a torrid bed scene in the evening. na-donselya na ang mga mata ko nung shinu-shoot namin ang Baguio Bold Movie last November kaya parang wala na lang sa kin. pero at least dito gumamit sila ng proteksyon (i.e. leukoplast) para sa mga artista during the naked bed scenes.
when i came to the set that morning i saw our director from the Baguio Bold Movie. surprising. turns out na talent manager pala sya nung isa sa mga bida namin. "Staff ko rin yan," Direk1 told the Favorite Direk, referring to me.
to my surprise, Favorite Direk (FD) replied, "Magaling yan!" huwaw. sobrang na-overwhelm ako sa sinabi nyang yun. because his opinion matters to me so dang much. because what he thinks can affect me in ways that other directors' opinions would not.
mahusay na sana ang araw ko, salamat sa compliment na yon, kaso nagkaroon ako ng continuity error for one shot. at dahil sa error na yon kinailangan naming mag-set up uli ng camera at i-reshoot ang shot. arghhhh. the worst feeling in the world at that moment. sinong "magaling", direk? sasabihin nyo pa ba yan sa kin pagkatapos ng shot na to?
syempre nag-sorry ako. at tinanggap nya nang maluwag, dismissing it easily. actually hindi naman sya big deal, pero big deal sa kin. tanggap ko na ang nature ng trabaho ko. mapapansin lang naman ang trabaho mo pag may mali ang continuity. for the dozen things na ginawa mo ng tama, yung isang mali naman talaga ang magsa-stand out. kasi ganun e.
in fairness, challenging sya sa kin. kaya kahit alas-6 na ng umaga at lupaypay na ang kaluluwa ko pauwi galing sa shoot, alam kong itutulog ko lang. medyo saturated ako sa project after those intense 24 hours pero alam ko babalik ang enthusiasm ko. sana hindi magbago.
hay. gusto ko nang umuwi sa bahay. lumipat na ko sa bahay ng mga kaibigan pero miss ko na talaga bahay namin. punyetang bulutong kasi yan. grrrrrrwwwl!
* * *
still praying the same prayer, everyday. hindi perpekto ang buhay pero masarap pa ring mabuhay. :-)
* * *
i bumped into three former "crushes" this afternoon. haha. two of the three, i actually got to chat with. one of them was the Rapper Dude, whom i hadn't seen in person in quite a while.
funny, because during those three chance encounters i was with BK. haha.
No comments:
Post a Comment