reading back, parang napaka-bright and sunshine-y ng mga past few entries ko, compared to the usual. nakaka-miss mag--b1tch. haha.
so here's somethin to b1tch about. one, two, three little b1tch-worthy things.
one, i learned two days ago na official chicken pox outbreak zone na ang bahay namin. after the first bulutong case, may nahawa na namang isa. nyeta. na-bad trip talaga ko! kasi sobrang thankful na nga ako na magaling na yung pinsan kong nagkabulutong, eto naman yung kapatid nya ngayon. putcha, dalawang linggo na naman to.
ayoko talagang magkabulutong. sino bang gusto di ba. kaya nag-evacuate ako asap. kebs na kung isipin ng nanay ko na OA ang reaction ko. kebs na kung magbayad ako ng P75 a day for the next several days for a cramped little room at the heart of Krus na Ligas (KNL). kesa naman magkabulutong.
it wasn't the first time that i lived away from home. dalawang beses ko na syang ginawa sa tanang life ko, nung opis girl ako sa st@r c1nem@ at nung naka-house arrest ako sa bahay ni k0ya. pero on my first night sa bago kong tirahan sa KNL, na-realize ko kung bakit each time naga-attempt akong bumukod ng tirahan, lagi akong bumabalik sa family home.
homesick-prone akong tao. sobrang attached ako sa pamilya ko. kahit bad trip ako dahil natatawa sila sa ka-praningan ko over the bulutong outbreak, 1st night pa lang miss ko na sila. haha. lalo tuloy akong nainis sa sitwasyon. cause i resent having to go to these extremes--gumastos, magbalot, maglipat, mabuhay mag-isa--dahil lang sa bulutong. arggggh.
wala. wala pa ring tatalo sa bahay namin. kahit madalas akong wala don. sa bagong tirahan ngayon (for the next four days), walang matabang kapatid pwedeng kulitin. walang DSL internet. walang makulit na 3-yr-old na sasawayin. walang nanay na mangungulit at mananaway sa kin. walang pusang-named-Dolly Dede na pwedeng yakap-yakapin. walang lutong bahay. walang tawag from overseas sa tatay na laging nagtatanong tungkol sa love life ko.
haha. siguro masyado lang akong attached sa pamilya ko, way too attached, considering my age. wala lang. ganon e. siguro nga yung iba sa gantong edad meron nang mga sariling pamilya, pero retarded kasi ko. feeling 20 pa rin ever. feeling nagdadalaga. haha chos.
anyway, 2nd night ko ngayon sa bagong tirahan. in four days lilipat ako sa bahay ng tatlong kaibigan ko. isang linggo. harinawa by last week of may eh okey-okey na ang hangin sa bahay. hay kainis talaga. sana wala nang ibang mahawa. dahil hindi ko yata keri ang another two weeks away from home, pagkatapos ng two weeks na to.
isa pang b1tch-worthy thingie. actually nadamay lang to sa pagka-bad trip ko over the chicken pox issue. sa lahat ng items sa D&R ng isang scriptgirl, dubbing talaga ang pinaka-hate ko. ewan ko. nasasayangan lang ako sa oras na nakatunganga. di ko feel tumunganga at mag-check ng dialogue. lalo na kung wa naman pay. buti kung mataas ang overall sweldo di ba. why not. pero kung laos na nga ang overall TF mo tas walang dubbing allowance, olats ka na masyado dun. somebody ought to address this. kasi kawawa naman mga utaw na olats na nga sa TF, kelangan pang gumastos ng pamasahe.
di lang yun. boring kasi talaga ang maupo sa dubbing. as in. napaka-minimal kasi ng participation ng scriptgirl dun. kung may hindi maintindihang dialogue, tsaka lang sya kelangan. kadalasan maayos naman ang guide sound. kadalasan nasa script naman ang revisions. kaya kadalasan, tunganga factor talaga.
eto ka. ang bad trip lalo dun, kung napaka-short notice ng pag-iinform sa yo tungkol sa schedule ng dubbing. as in, the night before. pano kung me iba kang naka-schedule sa araw na yon, not necessarily trabaho? syempre mag-aadjust ka. kasi trabaho pa rin yun, technically. between family/jowa time and trabaho, syempre isasakripisyo mo ang former.
pero eto talaga ang piiiinaka-BT. ang layo ng bahay mo ano. pupunta ka sa kabilang siyudad para maupo at tumunganga. late ang ta-artits na magda-dub. isa, dalawa, tatlong oras ang lumipas, wa pa rin sya in the premises. hanggang sa finally, confirmed nang di sya dadating. kumusta naman yun? kumusta naman ang oras na nasayang sa pagpunta mo all the way from the other side of the metro, ang pamasahe/gasolina, ang panahon na sana eh nilalalaan mo na lang sa ibang bagay?
wala lang. alam kong it happens. it's part of the job, whatever. gusto ko lang naman maghinga ng pagka-bad trip. kasi dalawang linggo akong maa-uproot sa nakasanayang living environment. kasi dalawang linggo yata akong labor-now, pay-later ang drama (for the love of and what-reasons-have-you). kasi gusto kong makaipon nang mas malaki para sa isang bagay na gustong gusto ko talagang makuha. hay word of honor. mali nga siguro ang naging desisyon ko. masyado kong naging loyal.
hay. wheels! yun ang gusto kong makuha!
isang high-profile movie project na uber-laki ang budget at hindi ka babaratin sa TF! gusto ko rin yon!
AD-ing for TV! why not!
cebu cebu! sana matuloy!
my own movie project na ako ang nagsulat!
my own movie project na gusto ko ang pagkasulat!
directing workshop!
another short film!
a movie project to be shot abroad!
hay. wish ko yan lahat.
for now, papasalamat na lang ako. dahil kahit hindi perpekto ang buhay, mabait pa rin si god.
at least wala akong bulutong.
knock on wood. :-)
No comments:
Post a Comment