ang sarap magpahinga!
ang sarap ng nasa bahay lang.
lalo na pag umuulan sa labas.
at may mainit na pan-de-pugon with mainit na kape.
at maraming dvds ang naghihintay na mapiling Movie for the Day.
alas, hindi rin ako nakapanood ng dvds. dahil itinulog ko lang ang araw.
pero may pan-de-pugon, at mainit na kape. at pamilya. at ang premiere ng zaido at lastikman.
ang chaka ng zaido. fan ako ng shaider e. crush namin ng pinsan ko noon si alexis (rip). at aliw na aliw kami sa panty ni annie (parang wala lang kasi sa kanya kahit nakikita na). ang guwapo ni dennis trillo (as always) pero not as fresh as i remembered him to be. karel marquez stands out like a sore thumb sa mundo ng pulis pangkalawakan, ironically because ang liit-liit nyang tingnan next to the 6-footer ian de leon. pang-party girl kasi ang hairdo e, sana man lang ginawang no-nonsense para bumagay sa uniform. ang speaking of her uniform, medyo namutok ang ang lola mo ha. tsk tsk. sayang, di naalagaan.
ano naman ang nasa mukha ni diana zubiri? nakaka-distract. tinago ang gandang mukha. parang lubid na pinagsala-salabid na nagpapa-avant garde art effect.
in fairness naman ke ida (paolo ballesteros in drag), maganda sya. parang iza calzado, keri ang pagka-mujer.
kaso, si kooma le-ar, parang may clitoris sa noo. yuck. ni hindi nga sumasabay ang buka ng bibig sa voiceover. at parang sumasayaw sa variety show ang mga alagad nya nung sumasamba sila with a dance ritual. sa orig shaider, eerie-creepy ang pagkakamount. sa zaido, parang dance number. na nabitin pa kasi nag-commercial na.
wala lang, like a true-blue fan of the orig, nakaka-disappoint. kasi nako-compare ko. kaya hindi ko na tinapos. kung meron mang magandang merits ang zaido beyond the first and second bodies, di ko na nasaksihan, kasi nilipat ko na sa lastikman.
first body lang ng lastikman ang napanood ko. in fairness. keri ko ang mahabang bridge fight sequence. efek kung efek. crush ko din tong si vhong navarro noon (makakatrabaho ko sya! yahoo!), pero hindi naman talaga ang ka-pogian (?!) ni vhong ang shinoshowcase sa lastikman. which sits well with me, kasi la naman ako paki. haha. interesting ang first body pero kinailangan ko nang bumili ng pan-de-pugon, so di ko na sya tinapos.
hahay. sarap lang maglagi sa bahay. at manood ng tv. pero talagang hindi ako fan ng tv e. hindi ko nga matapos-tapos ang kahit isang show. maigsi attention span ko.
bukas, pasok sa school. yehey. this time sana freshness naman ako for a change. kaya matutulog na ko.
goodnight world!
No comments:
Post a Comment