Wednesday, October 10, 2007

angst session on a balmy day

aside from rainy days, i love this kind of weather as well.
sunny, balmy, breezy. i remember days like these exactly six years ago, afternoons spent in the lanai of our house, handwriting diary entries in between storyboards and shotlists for my thesis film. those were beautiful days. i was almost in touch with the muse. i haven't experienced that in a long, long while.

now on the verge of starting another class requirement that is almost (but not quite) similar to the nature of my thesis. gusto kong balikan yung dating spiritu ng mga panahon na yon. everything was just so damn natural. everything was just so effortless. may oras ako para makipag-brainstorm with myself. umiikot lang ang mundo sa skwela at pangarap. hindi kailangan ng yosi to get myself into "thinker" mode. walang ibang iniisip kundi pano ba pagandahin ang baby na nasa sinapupunan, sans the pressures.

things appear more golden on hindsight talaga. naaamoy ko lang ang simoy ng hangin sa labas, para kong nata-transport sa mga panahong hindi ko naman na-appreciate dati. nakaupo ako sa lanai, nagdo-drowing-drowingan. nag-iisip kung pano ikukwento ang storya with the best shots possible. lalabas ako, maghahanap ng location, dala yung D8 videocam ko. bahay na tradisyonal, na middle class, na parang yung mga bahay sa Old Balara. ang saya saya. yun lang ang sentro ng mundo ko.

* * *

i love laughing. i wish i'd have more reasons to laugh every day. hindi kasi ko palangiti o palatawang tao. buti na lang nakakatuwa yung mga kaklase ko, hindi talaga lilipas ang isang class day nang hindi ako tumatawa.

pero iba kasi pag trabaho. hindi ako makatawa. depende naman kasi sa mga kasama ko. sa bagong movie, medyo konti ang rason ko para matawa. mas konti ang barkada, although hindi naman masyadong pressure sa trabaho.

sa compost, mas marami akong rason tumawa in between camera setups, pero ang bawi naman non eh matinding pressure pag gumiling na ang cameras.

nung isang araw, sinabi ko ayokong manood ng boxing ni pacquiao, kaso pagdating ko sa set lahat ng tao nakatutok sa channel 7. kaya nanood na rin ako. ang weird, kasi nung kinanta na ni kyla ang lupang hinirang parang naging misty eyed ako. feeling proud ako kahit papano, na kahit sa boxing man lang maging world-renowned ang pinoy. feeling sad din, kasi sa boxing lang yata tayo bumabanat sa international scene. buti na lang hindi nagkamali si kyla. hehe.

nung isang araw, inis na inis ako. yung tipong inis na gumuguhit sa kalamnan na pwedeng pausukin ang ilong ko. naiinis kasi ko sa mga producer na walang respeto sa direktor at sa mga trabahador nya. yung throwing-his-weight-around type.

pinagalitan nya ko nung isang araw. in fairness, kasalanan ko naman, pero hindi ako ang nadiin, yung AD. naawa ako, nahihiya ako. kasi ang pangit ng style ng pagre-reprimand ng producer. sa harap ng buong crew. nakaka-indignify. kasi, after 21 shooting days ng pagtatrabaho namin ng matino, isang mali lang pala ang makakapagpasabi sa kanya na hindi namin alam ang ginagawa namin.

taena. ngayon lang ako nasabihan ng ganon. sa tatlo, apat na taon ko bilang trabahador sa pelikula. nakakabwisit, kasi parang personal ang tira. na hndi ko alam kung san nanggagaling, dahil sa 21 shoot days na ginawa ng diyos, matinong trabaho naman ang binigay namin sa kanila. sa 21 shooting days na laging may dalawang cameras at sandamukal ang artista at napakabilis ng mga pangyayari at 24 hours minimum ang pagtatrabaho, nagpakaadik kami.

kung direktor ko ang nagalit sa kin, siguro maaapektuhan pa ko. kaya nung nung nagtatatalak yung producer sa min, strangely, i felt indifferent. pumapasok sa isang tenga, lumalabas sa kabila. kasi, kahit producer sya, kahit kontrolado nya to a certain extent ang kilos at galaw ng mga taong nagtatrabaho para sa kanya, hindi nya kontrolado ang nararamdaman ko. and for that alone, happy enough na ko.


point of saturation na kaming lahat.
wala na kong drive gawin ang best ko. siguro wrong timing lang talaga ang pagpasok ng compost sa buhay ko. kasi one year ago siguro ibang iba ang magiging attitude ko. kasi kung nag-commit ka sa isang project, committed kang gawin ang trabaho mo to the best of your abilities. pero nakakawalang-gana kasing magtrabaho para sa isang royal pain. nakakawalang-ganang magpagod magpuyat at magpakangarag sa isang project na ambigat-bigat at anlaki-laki na pinipilit tapusin in merely 23 shooting days.

oh well. one last shooting day to go. one, or most likely two. ito ang proyektong hindi matapos-tapos. although pag natapos to, alam kong mami-miss ko din ang mga naging katrabaho ko. yung 1st AD naming mahilig magsayaw ng Madonna songs in between setups, yung 2nd AD naming parang nanay na rin sa kampo ni Direk, yung prayer leader naming laging nakaramay every shooting day kahit hindi pwede naman syang umalis after the prayers, yung PA namin na kahit laging late at laging nawawala eh nakatulong din naman sa pagtatawag nya ng mga artista pag kelangan na sila sa set, yung BTS director namin na ka-radio talk ko palagi at masayang katambayan during those long hours of waiting. hay. sana magkita kita pa tayo sa ibang projects. maliit lang ang mundo.

* * *

nag-grind na ang sh@ke r@ttle and r0ll movie nina d1rek m1ke last monday. ako lang daw ang wala. nakakalungkot. kasi mahal ko din ang grupong yon. one year ago, ginagawa namin yung sh@ke for last year. magdamagan din, pero masaya ko.

minsan, happiness is a matter of timing din.

1 comment:

Anonymous said...

i don't feel bad at all. nainis lang for a while, but on second thought, but ba ko maiinis? maiinis ka lang pag importante ang tao sa yo. kaya kebs. any any. sana lang matapos na at nang hindi na ko maumay sa presensha ni uknowhu ever. :-)

radio didn't work out? ok lang yan. maybe you're really meant for film :-)