Thursday, April 30, 2009

nakakag1gger

nakakaguilty.
may kras ako sa isang 19-year-old.
artista sya.
at kaapelyido pa ng boypren ko.
haha!

di bale, kras lang naman.
weno naman kung napapa-smile ako pag naaalala ko kung paano sya maglambing sa ming mga writers.
weno naman kung naramdaman kong nag-blush ako nung nilaglag ako ng isang friend sa harap nya when my friend said, "oy saffron...wag kang malandi...may boypren ka na." (ibig sabihin, halata ng ibang tao na may kras ako sa kanya)
weno naman kung 10 years old na ko nung pinanganak sya sa mundo.
weno naman kung ang unang tingin ko talaga sa kanya noon, bading.
weno naman kung may picture kaming dalawa sa fezbook.
weno naman kung para kong matrona na kinikilig sa bagets na artista.

weno naman!
kras lang naman!
as if naman! di ba!

ok din lang naman kung magkakras si bosobear kay @ngel l0cs1n. o kay m@rian river@. o sa kahit sinong artista. basta wag lang yung totoong tao. at hindi lalagpas sa kras.

kaya, ok na rin naman siguro na magkakras ako. hehe. :-)

* * *

ganun pala ang pakiramdam, pag nagsusulat ka. pati sa mga artistang gumaganap sa character na sinusulat mo, naa-attach ka. tsk tsk. balik k@torse ako nyan. a k@torse anyos in b0yst0wn.

haaay. tama na nga!

Saturday, April 25, 2009

yeah, yeah i'm 29...


at nagpapasalamat ako sa lahat ng mga bumati. :-)

pero honestly, hindi na sya event sa akin. kung pwede lang na matapos na ang araw na 'to para maka-move on na ko sa life.

hindi rin ako sanay sa extra attention na binibigay ng mga tao sa kin pag birthday ko. napa-praning ako. haha. naiisip ko mas gusto ko na lang na hindi ko birthday at normal ang trato nila sa akin.

naiinis din ako sa fact na kailangang tumigil ang buhay para lang magbirthday. dahil yun ang ineexpect ng family at loved ones. eh ang siste, may deadline ako sa monday. kaso may mga family and loved ones na pupunta mamaya dito sa bahay para makicelebrate in a salu-salo. magdadala pa daw ang tita ko ng sushi rice at nakahanap na naman ang mga tito at tatay ko ng perfect opportunity para mag-inuman.
haha. hay. birthday din kasi ng nanay ko bukas. kaya parang dobol celebration chenes.

kaso nga, may deadline ako. feeling ko hindi ako makakapagsimulang magsulat today. bukas na. so that leaves me two days para tapusin ang script kung aabot ako sa monday. taena. when usually, sinisimulan ko nang magsulat as early as three days before deadline. ita-try ko pa rin. kung kaya pa ng powers ko. na simulan sya mamaya.

pero syempre, i'm ending this birthday note with a prayer of thanks. dahil nakaabot ako ng 29 years old...nang nagmumukha pa ring 23. hahaha.

thank you lord! my 28th year wasn't my best, but it was during this age na marami akong na-realize tungkol sa buhay ko at sa sarili ko. benchmark year sya for me, in that sense.

at gusto ko ring isipin na year 28 marked a career beginning for me. gusto kong isipin na several years from now, i will look back to my 28th as the year that started my lifelong career as a writer.

thank you lord. thank you, thank you po.

welcome, year 29!

Monday, April 20, 2009

legit breather

submitted script at 10:45 am, 15 minutes before deadline.
whew.
touch base...i'm second!

* * *

there's supposed to be a shoot at 6 am. but because i couldn't finish the script before 6, i skipped. priority is priority. at feeling ko, kung nagtuloy pa ko, sabaw ang utak at gulay ang katawan ko buong araw at gabi.

but. well. siguro pupunta ko mamaya. iba pa rin kasi pag isa ka sa mga nagsulat ng shinu-shoot nyo. involved ka, mentally and emotionally. curious kang makita kung paano isasabuhay ang na-imagine mo habang sinusulat/binebrainstorm nyo sya.

baka pumunta ko.
pero kailangan munang ayusin ang powerpoint presentation sa storycon bukas.
taena. ako ang pinagpepresent. hindi ko nga trip yun e. pero my gas, kung pinapa-step up, i should step up. recognize the opportunity. everything we do at work will reflect on us. it could be a plus or minus on our credentials.

so...magme-memorize na ko ng pitch. kebs na kung parang kabisote. at least, walang dead air. hahaha.

* * *

it wasn't until last night, when i was texting a friend about my schedule for the week, that i realized how busy i was. well, apat kami sa team na busy. pero strange, kasi i've never been this busy in a while.

gusto ko na ngang manood ng sine. gusto ko nang kurutin ang matabang gilid ni bosobear. gusto kong magliwaliw sa mall.

pero bago lahat yan, magge-games muna ko sa internet.

sana meron akong bagong hobby. gusto ko sana ng photography, kaso mahal. kailangan mo ng maganda (ergo, mamahalin) na camera.

ay, will write about my ilocos getaway later. haha, may time na ngayon.
kahit kaunti. dahil mamayang hapon, it's memorizing-the-storyline time.

* * *

dahil ang sinusulat namin ay tungkol sa isang 14-year-girl, sinubukan kong alalahanin kung anong klaseng Katorse-Anyos ba ako nung 1994.

nung Katorse ako, praning ako.
i used to stay up as late as i could. kaya siguro hindi ako lumaki.
i used to "de-womanize" myself--to look as genderless as possible. kasi nabu-bwisit ako sa mga manyakis na makakasalubong ko sa daan. kaya puros t-shirt at polo ang mga damit ko. nakatali ang buhok ko in a low ponytail and at some point i even used astigmatic eyeglasses. to dress myself down, at magmukhang "hindi bastusin".

nung 14 ako, exagg din ang wanting-to-belong hang-ups ko in school, pagdating sa friends.
tapos pag nagka-crush ako, todo-todo, parang Love of My Life ang bawat object of affection.
eto rin yung time na hindi ako masyadong nagko-confide sa nanay ko, na may kaunting communication gap kami.
i also learned the truth at 14, that love was meant for beauty queens (only to realize at 26 na hmm, not necessarily).
and, at 14, nagsimula na kong seryosohin ang pagsusulat.

feeling ko, sa ngayon, yun na ang pinakaimportanteng bagay na nangyari sa buhay ko at 14. na sineryoso ko ang pagsusulat.

hay, katorse. in less than a week magiging beinte-nuebe na ko.
okay lang yun, basta i shouldn't look the age. haha.

Sunday, April 19, 2009

adrenalinizing breather!

syempre deadline ko bukas ng umaga and i'm three bodies away from completion. pero nakakatawa lang itong isang phone call na natanggap ko just now. i'm bursting with it kaya kailangan ko lang i-blog!

tumawag si My once-Favorite Direk of the Landslide movie. kinukuha nya kong A.D. sabi ko, "sorry po direk...nagsusulat po ako ngayon for tv.." sabi nya, "talaga? saan? kunin na lang kita sa jee-em-ey! pwede ba kitang pirate-in? seryoso!"

naloka naman ako dun. i swear! three years ago baka tumambling-tambling na ko all the way to timog avenue kung saan naka-erect ang torre nila.

sabi nya, "busy ka ba ngayon?"
"opo...may deadline nga po ako ngayon e."

humagalpak naman siya ng tawa. never, as in NEVER in my dreams ko naisip na mapapahagalpak ko ng tawa ang taong ito. sobrang surreal lang talaga ng pangyayari, parang panaginip.

actually, never ko rin naisip, three years ago nung kasagsagan ng crush ko sa kanya, na makakausap ko sya in a casual-friendly way tulad ng nagawa ko kanina. waah. bad timing nga lang. ang lahat. bad timing na nakatali na ako. sa work.

at nung sinabi nyang, "seryoso! pirate-in na lang kita! i-update mo ko, as in seryoso", taena! parang nag-alok sya ng mansanas kay adan. sobrang tempting. sobra.

at least alam ko na kung sakali, may malalapitan ako. at least alam ko na kahit papano ay may tiwala ang once-favorite Direk na sobrang hinangaan ko. waah. na-touch naman ako bigla. sobrang raw ko talaga ngayon!

okay, kelangan nang bumalik.

p.s. na-move na ang schedule ng foreign film! yehey, thank you lord! indefinite pa ang sked pero sana, sana sana walang matamaan next time.

back to work!

Saturday, April 18, 2009

dapat nakinig ako kay susan miller...

...dahil kung nakinig ako, hindi na sana ako nagbakasyon. hindi na sana nagdahilan na "holy week naman e, i deserve this". sayang. sayang. sayang!

and dami kong mga "sayang" lately. nakakainis. dapat hindi mag-dwell at magsisi, i know. if i had known better, i would have done things differently. but i can't say that wrong decisions were absolutely wrong. may mga good things din naman akong nakuha, kahit ultimately wrong decision siya.

hay. yun na lang iisipin ko.

may bago akong crush. three weeks ago, nakita ko sya sa isang late night tv show sa jee-em-ey. reporter sya. kapangalan pa ng longtime crush-of-my-life noon. tapos ngayon hinanap ko sya sa google. may mga rumors na gay pala siya. naknampuch! lagi na lang! pag type ko, malamang lamang, bading!

such is the life. magbeberday na kami ng namesake nitong allegedly-gay reporter na ito. love ko talaga siya dahil mahilig syang mag-comment sa fb ko. at kahit ano pang mangyari, special siya, kasi in an alternate universe, he could've been the father of my kids. ha. ha. ha!

kaya yung mga bebot na pechay sa fb na nagpapa-cute sa kanya, sorry kayo...hindi nyo sya ka-berday! hahaha.

ayan, nagre-retrograde na ko to being katorse. dapat na talagang magtrabaho naknampuch!!!

getting hot in here

vacation at the beach: bitin.
vacation: bitin.

galing ng three-day lock-in kagabi. gustong magpahinga bago magtrabaho ulit. i had all night and all morning today. dahil may deadline ng monday morning (at bilang sabado na ng hapon ngayon), dapat nagtatrabaho na ko uli.

i'm back to being katorse anyos. abloom.

dapat di na nagba-blog. sa ngayon.

i'm wondering.
i'm praying.
sana, magawa ko yung isang raket.
sana, kayanin ko.
pero kung di kakayanin, as in talagang magsa-suffer ang priority, hindi na lang.
sayang nga lang, pero kung parehong magsa-suffer, baka hindi na lang dapat.

sayang nga lang. apat na scripts ang katumbas ng isang linggong raket na yon.

Wednesday, April 15, 2009

stressed

everytime may lock-in. for some reason, nakaka-stress sya. enjoy sya normally pero for the past few instances, mas nangingibabaw ang stress. kailangan kong i-address to. i have to find my own antedote.

note to myself: pag nagsuswimming, wag kang makuntento na head-above-water ka lang. always aim for a destination. that's the only way patungo sa pagyaman. at, ika nga ng cards ng isang medium, tamang strategy.

strategy daw. pano ba ang strategy? ako ang taong walang kaalam-alam sa strategy. o kung may strategy man, hindi ko sya nile-label as strategy. more of adapting mechanism lang. hindi ako magaling sa strategy kaya hindi ako pwedeng contestant sa survivor.

eh kailangan talaga ng strategy, para maka-survive sa totoong buhay. para magsucceed sa career at sa life. paano ba ang naknampuchang strategy na yan?

may quicksand. it seemed like a good strategy pero may quicksand pala. learning from someone else's experience, yun na ang tingin ko sa kanya. pero isa lang ang daan patungong kalimugtong, sa ngayon. isa lang ang pintuan sa mansyon for me, sa ngayon.

strategy. thinking short term, ito kaya yung tinext sa kin ng katrabaho ko ngayon ngayon lang? pwede pero ang hirap kasing magwalk ng line. pwedeng i-presenta ang ganong scenario pero may risk na baka maka-offend at syempre pwede ding i-veto ang ganoong suggestion ng higher up.

pero sayang kasi e. sayang ang raket. sayang ang pera. tsk.

ano nga ba ang strategy? does it have to do with anticipating what they want? how do you make a master plan, besides the obvious (work hard, go with the flow, give what they want)? paano? paano ang strategy??

going to other concerns, kahapon pinag-pitch ako sa harap ng lola bossing. first time. i think i screwed it up by my own nervousness. siguro kung ia-apply ang Strategy Theory dapat ginalingan ko, dapat minemorize ko ng storyline, dapat i rose up to the challenge instead of being bogged down my feelings of inadequacy. kasi sa totoo lang ayokong ayoko yung mag-pitch. sa lahat ng trabaho ng isang writer, yun ang hate ko. una, dahil kailangan mong humarap sa mga bossing. pangalawa, dahil kailangan mong mag-encapsulate ng mga detalye into a concise and presentable in-a-nutshell kind of pitch (eh sakit ko pa naman ang detalye at busisi). pangatlo, dahil kailangan magaling kang umacting, or at least may gift of gab ka para ma-excite ang nakikinig sa 'yo. ang hirap ibalanse ng tatlong yun. lalo na sa mahiyain na katulad ko. chos.

pero natuwa naman ako dahil sabi ng bossing i was singled out. natuwa na natense, dahil wala namang pure joy pagdating sa mga ganitong bagay. lalo na't feeling ko ngayon na na-screw up ko ang pitch ko kagabi. na-greenlight na ang concept pero presentation-wise, chaka. i hated it. i just wanted to get it over with. na hindi tama, dahil si I-Have-To-Win beeyatch, kakaririn yun. hay.

feeling ko din parang strike two na ko. dahil nung binigay yung assignment over the Holy Week, ako ang point person. meaning kahit dalawa kami sa project, ako ang may responsibility. kaso nagbakasyon ako. kung hindi ako nagbakasyon siguro nagawa ko nang maayos. pero yun nga, nademonyo ako ng beach. kaya yun, strike one. buti na lang, binago ng bossing yung storyline, kaya medyo nasalba kami. pero still. gusto ko nang maghyperventilate sa mga text messages na nari-receive ko on the way back to Manila. it was really irresponsible of me.

eh wala pa naman ako sa posisyon para maging irresponsible. ayokong mabasura lahat ng pinagtrabahuhan ko in the past six months. ayokong sayangin yung kaunting confidence na binigay nila sa akin. gusto kong ma-salvage yun. gusto kong bumawi.

kaso eto na naman. may raket, foreign film, 7day shoot straight. malaki-laki ang ROI, for a one-week shoot. nagpaalam na ko pero ayaw akong payagan, dahil may masasagasaang work sa show. sabi ng lahat, sayang daw. at sayang talaga, dahil katumbas ng apat na scripts ang kikitain ko sa isang linggo na yon. but she is making me choose. the show, or this raket. di ba ang hirap? gusto kong mag-negotiate, gusto kong makiusap, pero hindi ko alam ang strategy. ang hina ko talaga sa ganun. yung first efforts ko kasi at negotiation, na-thumbs down. ayoko nang mangulit kasi baka ma-offend. hay.

kaya pray na lang ako kay god. sana, payagan ako. huling hirit ko mamaya, sa lock-in. or kung di man ako payagan, sana ma-move ang shoot. please, please. kahit one week lang, para lang hindi tumama sa day job. please.

if i think long term, there's no doubt kung ano ang dapat i-prioritize. pero hindi ko pa rin mapigilang manghinayang. kasi yung panaka-nakang opportunities tulad ng foreign film, sayang. sayang.

stressed. dapat nire-review ko na sa utak ko ang magiging subject matter ng brainstorm mamaya pero may resistance ako. responsible me should get her ass moving, i know. it's not an option, it's a must. but it's in these instances when my stubborn nature gets in the way of being productive. kung kelan nape-pressure, tsaka nagiging impotent ang utak.

ang init, naknampuch.

Tuesday, April 07, 2009

i love my life and i thank god, really...but can i just whine for a while?

gusto kong magbakasyon! :-)
gusto kong magsara ng tindahan, kahit hanggang sabado lang! :-)

magi-ilocos ako. ke may trabaho o wala. dadalhin ko ang trabaho sa bakasyunan. come hell or high water.

hay. ganun talaga. tanggapin na lang. because being busy is better than not being busy at all.

pero kahit na. hikbi. hikbi.

Thursday, April 02, 2009

3rd draft, in!

parang agawan base yan e.
paunahan sa pag-touch base.
never naman akong nahuli. pero never ding nauna.
okay na rin. mala-mala.
i'm an average kind of girl.

touch base!

* * *

nag-touch base ako ng around 5:25 this morning. 7 hours late. hah.
buti na lang, imposible ang deadline. kaya i don't feel so bad.
at saka yun nga, 2nd akong naka-touch base. haha.

hay. parang nabunutan ng tinik. for the moment.
ayoko nang basahin yung ginawa ko. akala ko talaga mahihirapan ako. for some reason, the work just finished itself. hindi super dali pero easier than expected.

pero ayokong magustuhan na naman ang sarili kong gawa. ayokong ma-attach. kasi ayokong masaktan o ma-down pag binuwag sya at binalik sya sa akin in pieces.

keri lang, happy lang.
ang sarap mag-blog nang tapos na ang trabaho.
hindi naman ako makatulog ngayon. too relieved to sleep.

* * *

two or three days ago, someone died.
it's the husband of a former co-worker. medyo malayo ang fb connection pero i used to see him alive. kaya nung nabalitaan kong namatay siya, na-shock ako. nalungkot ako. i always get sad when someone i know dies. especially if it's someone i've met when s/he was alive.

shet. i'm sappy. ganito siguro pag tumatanda na. madaling maiyak. madaling maapektuhan.

i'm more scared of death than i'd been when i was in my early 20s.
i'm more attached to family, as well.
siguro nga, it comes with age.

* * *

he used to visit his wife on the set, with their two kids. they seemed such a happy family.

sabi ko sa sarili ko noon each time i would see them, "sana magkaroon din ako ng ganyang life, tulad ng kay dcmg--a successful career and a happy family." she seemed to have it all. and in seemingly good balance.

and then it happened. he died.

kaya lalong saddening sa akin. kasi isang icon ang pamilya nila sa isip ko.
parang cosmic joke. like the universe's cruel way of balancing the scales.

naisip ko ngayon, successful nga syang sobra sa career. kaso ngayon wala na ang asawa nya. kaya binabawi ko na yung sinabi kong gusto kong magkaroon ng buhay na katulad ng kanya. i STILL want to have it all, but just a little of all. a little of everything.

pwede naman yun, di ba lord? di ko kailangang maging sobrang successful. di ko kailangang maging sobrang mayaman. gusto ko lang ng masayang buhay with my family and loved ones. and a career that is fairly fruitful.

the 24-year-old me would never have imagined me saying this, but i'm an average kind of girl with average tastes. average is a good measurement for me. it's balanced. it doesn't upset the universe. it promotes stability, and longevity.

dcmg, di man 'to makarating sa 'yo, i'm sorry about what happened. take comfort in the fact (or faith) that god will not give us problems that we're incapable of handling. he has a plan. and in the end, all will be well.

out of curiosity, chineck ko yung fb account ng husband nya.
ang primary photo nya, picture nilang pamilya. a happy sunny day at the beach.
lalo akong nalungkot.
isang beses, may napanood akong eksena sa tv, a father with two little kids, bigla kong naalala na naman ang story ni dcmg at ng pamilya nya. believe it or not, naluha ako. nanghinayang ako. kasi ang sakit sigurong isipin para sa isang wife. di ba they're supposed to grow old together. di ba they're supposed to see their kids grow up. di ba dapat ihahatid pa nya ang unica hija nya sa altar pag kinasal na 'to. di ba dapat, ang 31 years old, marami pang taon ang ibubuhay sa mundo? di ba dapat ganito, di ba dapat ganon?

hay. everytime someone i know dies, i am reminded of my mortality.

* * *

the human condition. i guess that's what that means. pag naiisip mo na ang nangyari sa isang tao ay hindi imposibleng mangyari sa yo. kaya you nurture empathy and sympathy for the person. that's what makes audiences cry. pag naka-relate sila sa human condition na inilalahad ng isang storya.

* * *

on a happier note, pwede akong matulog buong araw today.
kasi wala pa naman sigurong trabaho na darating.
sana matuloy yung dalawang blessings ni god. sana, sana.

sana din maayos na ang mga tseke ko sa cashier. sana ma-retro na, ASAP!!!

* * *

GRRR. gusto kong maligo.