Sunday, March 18, 2012

numbers numbers

10pm, 38 sequences to go. 12 noon deadline tomorrow.
sakit na ng likod kowwww.

lord, hindi po ako nagrereklamo. naghihinga lang. masaya po ako sa buhay ko, at nagpapasalamat sa mga blessings ninyo. pero sa mga panahong ito...balakid sa untainted happiness ang deadline.

tatlong araw lang ito. paano pa kayo kung lima na.
saan ba makakabili ng speed? ng hyper-energy? ng megasuperultra sharp concentrating powers? gagastusin ko ang isang taong sweldo para lang makabili ng lifetime's supply.

paano kaya nagagawa ng iba? nang hindi nagsasuffer ang ganda? sana, makaya ko rin. kung hindi ngayon, bukas. kung hindi bukas, someday. sa next script na isusulat ko. kung hindi sa next script, sa second next. kung hindi pa rin, sige, kahit sa next show na.

paano kaya nila nagagawa yon? or am i relly just wired this way, and will be wired this way for the rest of my writer's life?

lord, pray po ako sa inyo. thank you for everything...pero isang request po. sana po, bigyan nyo ako ng paunti-unting extra bilis at extra galing...kahit isang gasino isang taon...okay na rin. at least nadadagdagan. :-)

No comments: