Sunday, May 20, 2012

it's not what you say but how you say it. and whoever's around to hear it.

you know what i hate the most? bitches. lalo na kung nagbibitch ka sa akin nang hindi naman ako ang may kasalanan...at virtually sa harap pa ng mga diyos. 

it's not what you say but how you say it. just because feeling mo may K ka pwede mo na kaming pagsalitaan na parang wala kaming nararamdaman. pressured na nga kami dadagdagan mo pa. palibhasa hindi mo alam pakiramdam, at wala ka rin namang pakialam.

nakakadiskaril kapag may bumato ng pebble sa pinagkakatingat-ingatan mong placid waters. lilipad lahat ng mga ibon. mawawala ka sa hulog. kng lahat lang ng tao kayang magpractice ng tact at hindi mamamhiya, siguro mas magiging masaya ang mundo. mas kakayanin ko ang pagod ng katawan at isip pero mahirap indahin ang sama ng loob. paminsan minsan na lang kasi ako maka-encounter ng mga nambabalahura sa akin kaya pag may natisod akong isa, iniinda ko talaga. 

lima na lang. maibabato ko na ito sa virtual kalangitan. bubuga lang ng kaunti, then back to the spinning mills again. kailangan lang maglabas ng sama ng loob sandali. 

1 comment:

noreen said...
This comment has been removed by a blog administrator.